Chapter 6

14 0 0
                                    

Chapter 6

NAPALINGON si Michelle sa gawi nila Cassandra nang mapansin niyang nagbubulungan ang mga ito. Seryoso ang mukha ng kaibigan niya samantalang parang may kakaiba sa ngiti ni Claire. Hindi niya lang matukoy kung ano 'yon. Marga fell asleep already kaya medyo hindi sila nag-iingay sa loob ng guest room.

"Hey, Mich. Kaming dalawa naman ni Samantha. Kanina pa ko picture ng picture, eh," reklamo ni George.

Tumango siya at sumunod na lang. Kinuha niya ang Iphone nito. Tinuruan pa siya nito kung paano gamitin 'yon kahit na alam niya naman na kung paano. Hindi naman siya mang-mang gaya ng gustong ipahiwatig ni George.

Huminga siya nang malalim bago sunod-sunod na pinindot ang bilog na button. Nagbibigay din siya ng signal gamit ang kanyang kamay.

Ngayong magkakasama sila ay nakakaramdam siya ng awa para sa sarili. She feels belittled, unimportant . . .

Alam niyang hindi dapat siya nagiging nega lalo na ngayong reunion party nila but she couldn't help it. Bukod pa sa nahihiya siyang humarap kay Samantha dahil nga doon sa ginawa niyang abortion.

Only Athena and Cassandra knows about it and up until now, hindi pa rin alam ng iba kaya laking pasasalamat niya sa dalawa. Tinupad ng mga ito ang pangako nilang hindi siya papangunahan sa pagsasabi. Indeed, she got friends whom she can trusts and lean on.

"Sana after graduation, mag-celebrate din tayo nang magkakasama. Next year na 'yon, eh. We can have fun overseas. Japan, Hong Kong, New York, or wherever you like," George' eyes sparkled with excitement.

Naibaba niya na ang Iphone dahil huminto na sila sa pag-popose. She busied herself by checking their pictures. Nagbura din siya ng mga blurred na picture habang nakikinig sa usapan nila George.

"I'd like that, too. Kaso pwede bang iwan na lang si Aubrey? She's fucking annoying me. Sinasadya niya!"

Natawa si George. "Relax. We can do something about that. Pwedeng hindi natin sabihan--"

"Then, Athena will invite her instead. Not a good idea. Maganda sana 'yong walang magagawa si Athena. You know her, hindi 'yon papayag kapag may kulang. Kahit nga niloko siya ni Charles at ni Marga, nagawa niya pa ring i-invite, eh."

"Alright, Samantha. May ilang buwan pa naman para magplano, eh. What about you, Mich?"

Halos napatalon siya sa gulat nang magtanong sa kanya si George. Tipid siyang ngumiti at ambang magsasalita nang unahan siya ni Samantha.

"Graduation party 'yon, George. Hindi naman nag-college si Mich, eh. But still, you can join us. We can prepare a lot of foods for you."

Humigpit ang hawak niya sa Iphone ni George. Tumawa siya nang mahina, nagpapanggap. "Sige ba. Chat na lang sa GC kung kailan para makapag-ipon ako."

Nakangising lumapit si George sa kanya para kunin 'yong Iphone. "Don't bother, Mich. Kami na ang magbabayad. Tulong na rin namin 'yon."

Tunog insulto 'yon sa kan'ya pero pinalabas niya na lang sa kabilang tenga. Hindi niya hahayaang manatili ang mga ganoong salita sa isip at puso niya. Dapat maging manhid siya at hindi kailanman ipakita na apektado siya.

Na masama pa rin ang loob niya dahil sa kanilang lahat, siya lang ang hindi nakapag-college. She was Grade 10 when her parents' chain of restaurants went bankrupt. May customer kasing nagreklamo ng food poisoning at kahit napatunayang hindi naman totoo 'yon ay mabilis na kumalat ang balita. Tuluyang nasira ang reputasyon ng business nila. Hindi na rin nakabangon dahil may isang empleyadong may mataas na posisyon ang nagnakaw ng malaking halaga mula sa kanila.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon