Chapter 14

10 0 0
                                    

Chapter 14

HABANG patungo si Mich sa roof deck para hanapin doon sina Cassy ay panay ang punas niya ng mga luha. Alam niyang nagkamali siya pero pwede naman siguro siyang masaktan.

She's regretting it anyway. If she only could go back to that time, she wouldn't abort her child. Magsisikap na lang siya para buhayin ito o 'di kaya ay ibibigay niya na lang ito kay Diego. She should have done something else.

Nang makarating siya sa roof deck ay agad niyang natagpuan sina Cassy. Panay pa rin ang angat ni Cassy ng cellphone at dinig niyang nagmumura na ito dahil siguro sa frustration.

Samantalang si Claire ay nakamasid lang sa malayo, tinatangay ng malamig na hangin ang buhok nito at ang suot na bohemian dress. Maliwanag ang roof deck dahil sa mga string lights na nakasabit. Mich momentarily forgot all her worries when she wandered her gaze to each corner of the place. Everything looks calm and enchanting.

"Shit! Two bars na lang!" Nakatayo na si Cassy sa isang wooden table nang sumulyap siya sa gawi nito.

Humakbang siya palapit dito. "Wala pa rin?"

Cassy looked down on her and shook her head. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko," mahinang wika nito.

Isang beses pa nitong inangat ang isang kamay para makasagap ng signal pero sa huli ay bagsak ang balikat na bumaba ito mula sa bilog na mesang kahoy.

"Should we try going out?" sabay tingin ni Cassy sa ibaba.

Napatingin din siya roon ngunit wala siyang ibang nakita kun'di ang ilang punong nasikatan ng bilog na buwan. She eyed Cassy again and found her searching for something.

Kinabahan siya bigla dahil sa nagpa-panic na reaksyon ni Cassy.

"Bakit?"

"Si Claire! Nakita mo ba?"

Muling bumaling si Mich kung saan niya nakita si Claire nong dumating siya pero wala na ito roon. Tinuro niya 'yon. "Nandoon lang siya kanina."

Nagmura si Cassy at napatampal sa noo. "Where did she go? Ang sabi ko 'wag siyang aalis, eh!"

Ambang lalakad papuntang hagdan si Cassy nang hawakan niya ito nang mahigpit sa braso. Cassy gave her a confused look and tried to resist.

Mich sighed. "Sino ba siya, Cas? Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin kanina? Tinakot niya ko!"

Mas lalo niyang napatunayan na may mali kay Claire noong parang may kinakausap ito kanina sa CR. Alam niyang sinadya ni Cassy na ibaling kay Charles ang atensyon nila para lang maka-iwas. Sigurado siya roon.

"Let me go. I need to find Claire!" Natulak siya nito kaya agad siyang humarang sa daan nito. Napahinto si Cassy, awang ang labi.

"Ang sabi ni Claire ginagamit mo lang siya! Na hindi kayo close and that you only lied to us!" Mich spat in Cassy's face. Her eyes narrowed as she took a deep breathe. "What are you hiding from us?"

Cassy quickly looked away. Pansin niyang hindi pa rin ito mapakali at parang gusto pang tumakas kaya agad niyang inagaw ang hawak nitong keypad phone. Nagpunta si Mich sa dulo ng roof deck at nagbanta siyang ihuhulog 'yon. Lumakas ang ihip ng hangin kaya halos mapigtas ang ipit ng buhok niya.

She heard Cassy mumbled curses. "Please, give that back to me, Mich. We need to ask for help."

"Just answer my damn question!" she shouted desperately.

Kanina pa gulong-gulo ang isip niya dahil hindi niya matukoy kung sino ang nagsasabi ng totoo sa mga kaibigan niya. She needs an assurance that she would get out of here alive.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon