Chapter 22

12 0 0
                                    

Chapter 22

CHARLES knew that something was off about Lucas from the very start. Akala niya ay dahil lang sa selos at inggit kaya napapansin niya ang weird na kilos nito pero putang-ina, totoo pala. May ibang ibig sabihin talaga ang bawat ngisi nito sa kanila.

Humakbang siya palapit kay Lucas nang hindi ito nilulubayan ng tingin. Wala siyang takot na maramdaman dahil sa matinding galit niya. To the point that he could kill anyone right now . . . and right here.

"I know what you did, Lucas. I saw how you fucking killed Samantha," he spoke and then gritted his teeth.

Huling natandaan niya bago nawalhan ng malay ay nasa loob pa sila ng CR pero nong nagising siya ay nakahiga na siya sa sofa. Doon niya nahuli sa akto si Lucas na hinihiwa ang leeg ni Samantha gamit ang isang blade. Nakatalikod ito sa gawi niya at gustuhin man niyang labanan ito ay hindi siya makabangon nang tuluyan dahil sa gulat at pangamba.

He even saw how Lucas had licked the blood off Samantha's neck and heard him say, "Sweet. I'd love to fuck you as well but you're too nasty for my liking." Tumawa ito nang mahina habang binabaon ang blade sa gitna ng leeg ni Sam.

Nandiri siya at nanghina kaya muli siyang pumikit para magpanggap na wala pa ring malay. Kahit nong naka-akyat na si Lucas dala si Athena, kahit nong nakita na ni Zach ang lagay ni Samantha.

He continued his pretense. Nag-isip din siya nang nag-isip kung paano niya mailalayo si Lucas mula sa mga kaibigan niya. Hindi na siya papayag na may patayin ito ulit.

Kaya nong binaling ni Lucas ang bintang kay Zach ay kinuha niya na ang pagkakataong 'yon para yayain itong lumabas ng rest house. Kahit na labag sa loob niya at alam niyang inosente si Zach ay ginapos niya pa rin ang katawan nito ng lubid. Just to assure Lucas that everything was going according to his goddamn plan. Ayaw niyang magduda ito sa kanya hangga't maaari.

First, he needs to take that cellphone from the pocket of Lucas' jeans. Nakita niyang sumilip ang cellphone doon noong naupo ito para tulungan siyang igapos si Zach. 'Yon ang pinakamabilis na paraan para makahingi sila ng tulong kaagad at makaligtas.

"Tumalino ka rin pala nang kaunti," ang ngisi ni Lucas ay hindi pa rin nabura sa kabila ng mga sinabi niya. "Congratulations."

Hindi na siya nagsayang ng oras dahil agad niya itong sinugod. Sabay silang natumba sa lupa. Charles was throwing hard punches on his face. Nakadagan siya rito kaya madali para sa kanya na gulpihin ito but damn it! Biglang gumanti ng suntok si Lucas sa kanya kaya natamaan ang kaliwang mata niya. Nakatanggap pa siya ng ilang suntok kaya mas lalo siyang napikon. Ambang sasakalin niya ang leeg nito nang tinulak siya nito nang malakas.

He grunted as he lost his balance. Nakabangon si Lucas mula sa pagkakahiga samantalang siya ay nakahawak sa kaliwang mata at nahihilo. Ang isang kamay ay naghahanap ng malaking bato.

Nagpagpag si Lucas ng pantalon nong nakatayo na ito. "Iyon na ba?"

He looked up at him and he got furious more when Lucas showed him his mocking smile. Hindi na siya nag-isip nong hinagis ang napulot na bato sa mukha nito. Naka-ilag ang gago pero na-distract ito kaya nagkaroon siya ng oras para makatayo at sipain ang tyan nito.

Sinuntok niya rin ang panga nito pero putang-ina talaga, hindi pa rin natutumba! He only stopped when Lucas bursted into laughter. Dinig niya ang paglipad paalis ng mga ibon dahil sa walang pasabi na pag-ingay nito.

"You know, I can easily kill you, bastard. You know what I'm capable of," Muli itong humalakhak. "I have a gun and I can shoot your head in a snap but sad to say, you're unworthy of my bullets. Kaya siguro, pwede na 'to?" May dinukot ito sa bulsa, isang cutter, mabagal na inangat nito ang blade habang nakakaloko ang tingin nito sa kanya.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon