Chapter 8

15 0 0
                                    

Chapter 8

NAPAGOD si Marga dahil sa ginawa nila ni Charles sa loob ng guest room. They had sex, naka-2 rounds ata sila bago siya umayaw. Thankfully, she got fully dressed when Cassy knocked on the door. Nagulat pa siya pagka-open niya dahil hindi na-lock ni Charles 'yong pinto. As usual.

She's busy eating dinner right now. Nagtanong kanina sila Mich kung bakit ang tagal nilang bumaba. Hindi siya sumagot pero dahil namula ang pisngi niya ay nag-assume na ang mga ito. She only giggled. They've been in a relationship for years now and doing sexual activities while on it is just, she thinks, normal. Dapat ay magaling din siya sa kama para hindi siya iwan ni Charles. Natatakot siyang maghanap pa ito ng iba. Gaya ng ginawa nito kay Athena habang sila pa nito.

Speaking of Athena and her boyfriend, umalis ang mga ito para mag-shower daw at magpalit ng damit sa second floor kaya medyo kumportable siya habang kumakain. Nasa harap niya kasi ito nakaupo at ang katabi nitong si Aubrey ay panay ang picture gamit ang Iphone nito. Naka-ilang yaya na rin ito ng groupie simula nang bumaba sila. Aubrey didn't hide her disgust everytime their eyes met and she's okay with that. Mas gusto niya 'yong naka-ismid o nakangiwi ito kaysa nakikitang nakangiti ito sa kan'ya pero peke naman. At least, aware siyang may galit pa rin ito sa kanya. Hindi tulad kay Athena. She couldn't pinpoint if Athena was being genuinely nice to her after what she did.

Pero kung tutuusin, naging patas lang silang dalawa. She admitted, nakasira nga siya ng relasyon pero ang ginawa nitong eskandalo sa school niya noong senior high ay nakasira din ng kan'yang reputasyon lalo na't anak pa siya ng ginagalang na mayor. Wala siyang naging kaibigan dahil sa nangyaring 'yon. Para siyang may nakakahawang virus na pinandidirihan at iniiwasan ng lahat.

When Aubrey stood up, she looked up at her. Nasilaw pa siya dahil direktang tumama sa kanya ang gumagalaw na neon lights. Nakapatay na ang ilaw sa buong sala pero sa dining area ng rest house ay hindi pa. Nakasarado na rin ang pinto at nagpapasalamat siya sa speaker ng tumutunog dahil hindi nagiging awkward kapag biglang walang nagsasalita.

"Where are you going? Shot mo na," usisa ni Sam habang nakapatong ang isang siko nito sa ibabaw ng mesa. Doon niya lang napansin na nagpalagay ito ng tattoo sa wrist. Her eyes narrowed as she read 'Gibson' on it. Dismayadong napa-iling siya at bahagyang naawa. Dahil lang sa isang lalaki ay unti-unting napapalitan ang impression niya sa kaibigan. She sees Sam as independent and savage woman but with Gibson, Sam becomes awfully weak and vulnerable.

"I'm gonna palit my sando. I'm pinagpapawisan na, eh," sabay lakad ni Aubrey patungo sa hagdanan.

When her eyes followed Aubrey, she noticed how Patrick avoided her gaze. Bumaba ang tingin nito sa pulang cup habang kausap pa rin si Cassy. Walang nakaupo sa gitna nila Patrick at Cassy dahil lumabas si Zach para manigarilyo.

Tipid siyang ngumiti at sinubukang ubusin ang chicken salad sa plato niya. May kasalanan din siya kay Patrick dahil ginawa niya itong panakip butas noon. Umasa itong sasagutin niya kapag naging Valedictorian siya ng kanilang batch. Inutusan niya itong ilagay ang kodigong ginawa niya sa bag ni Tin-Tin habang sumasagot sila ng final exam sa Algebra. He betrayed a friend, hoping that he would get a chance to be her boyfriend that time but she broke her promise. Talagang ginamit niya lang ang feelings nito para matupad ang plano niya. She's ambitious. She wanted her Daddy to be also proud of her. Palagi kasi nitong bukambibig ang achievements ng kuya niyang si Peter Vargas na isang magaling na piloto. She's actually no hard feelings against her Kuya. Sadyang motivated lang siyang higitan ito.

Sa kanilang pamilya ay marami siyang gustong patunayan. She's not going to live an ordinary and boring princess. She wants to reign.

Sumulyap siya sa katabing si Charles na halatang wala sa mood. Mukhang nabitin nga ito kanina. Hinaplos niya ang braso nito habang tumutungga ito ng alak. Nang binaba nito ang cup ay nakita niyang umigting ang panga nito kaya agad niyang nilapat ang kamay sa hita.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon