Chapter 9

48 1 0
                                    

Chapter 9

ATHENA couldn't stop laughing at Sam's misfortune. Ilang beses minura ni Sam si Aubrey dahil nasa kalahati ng cup 'yong isang shot.

"Tang-ina. Malalasing ako nito agad, eh," reklamo ni Sam bago ni-isang lagok 'yong pangalawa.

Lalo silang natawa nang ubusin ni Aubrey ang laman ng Smirnoff sa pangatlong baso. Doon na-realize ni Athena na paubos na 'yong iba pang bote.

"Tagay pa, Sam, para ganado kang sumayaw mamaya," dinig niyang sabi ni Mich habang kinokolekta niya 'yong mga boteng wala nang laman.

Tumulong si Zach sa kanya pati si Charles kaya napasulyap siya kay Marga. Their eyes met and Marga gave her a smile. Ngumiti siya pabalik.

Inalok pa niya si Marga ng fish fillet pero tumanggi ito dahil busog na daw. Hindi na pinilit ni Athena.

Hanggang ngayon ay nagre-replay pa rin sa utak niya 'yong halikang ginawa nila Marga at Charles kanina. Iba 'yong impact dahil sa harap niya mismo nangyari kung ikukumpara noon na sa laptop niya lang napanood 'yong sex video.

Pumalakpak sila noong natapos ni Sam 'yong dare. Naglakad ito patungo sa harap ng speaker, nakatalikod sa kanila para ipagpatuloy 'yong laro.

"Excuse me lang, ah. Kukuha muna ako ng drinks. Paubos na, eh," paalam ni Athena sa kanila at saka tumayo na. Dinala niya rin 'yong mga boteng ubos na dahil baka mabasag pa.

Nag-alok pa si Charles ng tulong pero agad siyang kinausap ni Marga. "Kaya mo na 'yan, 'di ba, Athena?"

"Of course. I don't need help," ngumiti pa siya.

Napatingin si Athena sa ex niyang umigting ang panga habang nakaharap ito kay Marga.

Agad siya umalis ng sala patungo sa kusina. Nadatnan niya roon si Lucas na seryosong nakaabang sa harap ng microwave. Binaba niya muna ang mga bote sa gilid ng isang lagayan bago niya niyakap ang nobyo nang mahigpit.

She heard him chuckled. "Na-miss mo agad ako," sabay haplos nito sa buhok niya, ang isang kamay ay nakalapat sa balakang niya.

"Yeah," nakapikit na saad niya habang nakayakap pa rin kay Lucas. She felt contented and warm.

"Are you happy?" malambing na tanong nito.

She nodded. "Yes, babe. My old friends are here and then I have you. Ang saya ko."

"You sure? Didn't you feel uncomfortable? Of your ex?"

Athena peeked up at her boyfriend, an evil smile was forming in her lips. "I'm not affected at all," she lied. "Selos ka na ba?"

Umiling agad si Lucas at dinampian siya ng halik sa labi. "Mas gwapo ako sa ex mo. I'm not threatened."

She pouted her lips when she remembered something. Si George na panay ang sipat sa katawan ng babe niya. May hinala siyang attracted ito pero hangga't hindi nito kinu-krus ang linya ay behave muna siya. Umaasa siyang hindi lalapit si George kay Lucas dahil baka umuwi ito ng de oras na may galos at pasa.

Sa kanya lang si Lucas at kung sino mang umagaw, mamatay na.

MICHELLE was really having fun, eating and drinking alcohols. Sinabi niya sa sarili na magsasaya siya, na kahit ilang araw lang ay kakalimutan niya muna ang mga responsibilidad sa buhay.

Na kay Zach na 'yong itlog at dahil bakante ang pwesto nila Athena ay lumapit pa ito para iabot kay Aubrey. Her brows shot up when Zach sat beside her. Hawak ulit nito 'yong itlog at mukhang walang balak na ipasa 'yon sa kanya. Natatawa na lang sila Marga.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon