Chapter 4

22 0 0
                                    

Chapter 4

"HINDI ka naman siguro gano'n, Lucas. You wouldn't leave Athena just because of her past mistakes. Nagbago naman na kami," sambit nong Cassandra.

Naupo muna si Lucas sa armrest ng sofa, sa tabi ng kanyang girlfriend bago sumagot. "I love everything about Athena kaya kahit ano pang malaman ko, hindi ako lalayo. I assure you that."

Pagkatapos ay dinampian niya ng mababaw na halik ang buhok ni Athena kaya biglang nagwala ang mga babaeng kaibigan nito lalo na 'yong Aubrey. Ang babe niya naman ay hindi pa rin makatingin sa kanya nang maayos. Siguro ay nahihiya pa rin dahil sa narinig niyang usapan nila kanina. That's not even a big deal to him dahil sigurado siyang hindi na babalikan ni Athena ang ex niyang 'yon. Marami na silang nalagpasang dalawa, halos nagkahiwalay pero pinipili niya pa ring maging okay sila. Para kay Lucas, si Athena Mariano na ang ihaharap niya sa altar. Wala nang iba pa.

"Wow. Sana all may Lucas!" 'yong babaeng morena ang nagsalita, si George na tumitig pang mabuti sa kanya kaya bahagya siyang nailang.

"Akala ko talaga fuck buddies lang kayo na compatible sa kama kaya nagtagal. Paano mo ba na-meet si Athena?" Samantha curiously asked him.

At first, nanibago pa siya dahil sa pagiging mahinahon nito. He didn't expect that Samantha can interact without being rude. Nang hindi umiirap at nagtataray. Tumikhim siya at bumaling sa nobya nang nakangisi.

"Paano nga ba, babe? Limot ko na, eh," he joked but Athena took it seriously dahil bigla siyang siniko sa abs niya.

Nakasimangot na bumaling pa ito sa kanya. There. He finally got her attention. Lumapad ang ngisi niya.

"Just kidding, babe. Of course, I wouldn't forget that day." Muli siyang bumaling sa mga babaeng kaibigan nito na nakamasid lamang sa kanila. "June 23, 2018. Sa Singapore. May dinaluhan kaming event and through common friend, naipakilala kami sa isa't isa. She eyed me all night and I wasn't surprised dahil nga gwapo--"

"Ang kapal, Lucas Fernandez!"

He chuckled when Athena even hit his arm. Napahinto siya sa kanyang kwento. Natawa rin ang ilang bisita.

"Sino kaya sa atin ang unang nag-approach, ah?" Tumaas pa ang isang kilay nito.

"Ako, babe. Para kasing nahihiya ka pa kaya ginawa ko nang madali para sa'yo."

Gigil na hinampas ulit siya ni Athena kaya nagnakaw na lang siya ng halik sa pisngi nito habang natatawa pa rin. Athena glared at him. Pero alam niyang hindi naman ito seryosong nagagalit. Kabisado niya na ang bawat reaksyon ng mukha nito.

"Don't believe what he said, girls. Siya nga itong pasimpleng kinuha ang number ko. Naiwan daw 'yong phone niya sa bahay kaya nanghiram para i-message 'yong Mama niya but the next day, he called me, saying na hindi niya raw ako makalimutan, na kung pwede bang manligaw," mahabang paliwanag ni Athena.

Lucas laughed again, remembering how lame he was. Tinukso pa siya ng mga kaibigan ni Athena dahil namumula na raw ang magkabilang tenga niya. He's fucking blushing. Hindi pa nakatulong 'yong naririnig niyang puri ng iba.

"He's so pure, Athena. Kung ako sa iyo, hindi ko na papakawalan 'yan. Bihira na lang, eh," si Cassandra.

"Magaling pa sa bed, 'no, bes?" si Aubrey na kumapit pa sa braso ni Athena.

"Mga ganyang lalaki dapat ang pinapatulan, Samantha. Hindi katulad ng gago mong ex na sa una lang pala magaling," komento ni Michelle kaya nabato siya ng french fries ni Samantha sa mukha. Nahulog pa ang ilan sa carpet kaya dali-daling pinagdadampot ni Michelle para isalba.

"Wala pang 10 seconds."

"Wait ka lang, Mich. He'll come back to me once he realized that life without me is a fucking hopeless," Samantha declared.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon