Chapter 13

53 1 0
                                    

Chapter 13

HALOS hindi makahinga si Aubrey nang maayos dahil sa kabog ng dibdib niya. Two of her 'friends' have died, mercilessly. Natatakot siya na baka siya na ang sunod na target ng kung sino mang killer kaya habang nasa loob ng bathroom kanina ay wala siyang kibo. She only stared at nowhere.

Hindi pa siya ready ma-dead!

Ayos lang sana kung ang iiwan niya lang ay ang kanyang boyfriend na si Jake dahil makakahanap pa ito ng bagong babae, eventually. Pero ang mama niya . . . paano na ito?

Binuhat ni Lucas si Charles para ilagay sa sofa. Sumunod silang lahat papuntang sala para sana mag-isip kung anong magiging plano nila. Kahit paano naging kalmado ang bawat isa. Dahil siguro sa thought na baka nahuli na nila 'yong killer.

"Bakit kasi hindi kayo nagpakabit ng landline, Athena?" dinig niyang reklamo ni George.

Pagod na umupo si Sam sa isang sofa, sa harap kung nasaan nakahiga si Charles. Humilig ito roon at saka tumingala sa maliwanag na chandelier ng sala. Binuksan 'yon ni Cassy kanina habang nag-aagaw buhay si Marga. Speaking of Marga, maayos na itong nakahiga sa malamig na sahig at may nakatabon na ring balabal sa katawan nito. Aubrey looked away.

"Useless din kasi, eh. Walang nakatira dito," paos na saad ni Athena habang nakabuntot sa kanya si Lucas. "Ibebenta na rin next year."

"Si Patrick lang 'yong may alam kung nasaan 'yong cellphone natin. Paano na 'yan?" asked by Mich, both of her eyes were swollen from excessive crying.

Napatingin sila kay Claire noong tinuro nito bigla si Cassy at may sinabi, "She has an extra phone! Nakita ko sa bag niya!"

Nalaglag ang panga nila. Agad na umiling si Cassy para itanggi 'yon pero patakbong lumapit na si Claire sa bag ni Cassy at binuhos ang laman non sa sahig na walang kalat.

They gasped and gave Cassy a questioning look when an old model of Nokia phone was there. Si Zach ang dumampot ng cellphone para i-check kung gumagana pa ba 'yon.

"It's working well," sabay angat ni Zach noon at sulyap kay Cassy na mahinang nagmumura. "Bakit hindi mo sinabi?"

Cassy shook her head once more and sighed. "I--I didn't know. Akala ko naiwan ko 'yan sa bahay." Then, Cassy glared at her friend, Claire. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Napayuko si Claire habang kinakagat ang mga kuko. Napangiwi si Aubrey dahil sa yucky nitong mannerism.

"Sabi mo kasi hindi 'yan pwede ilabas hangga't hindi ka pa namamatay. But we're about to dig our own grave. I don't want to be killed," Claire spoke in almost a whisper and . . . emotionless.

"Bakit hindi pwedeng ilabas? Anong meron?" usisa ni George. Naglakad ito patungo kay Zach pero si Cassy ang nauna. Inagaw ni Cassy bigla ang cellphone at itinago 'yon sa likod nito habang humahakbang paatras.

Kumunot ang noo ni Aubrey dahil sa pagiging defensive nito.

"You don't have to know. It's very personal. So please, just let me call the police. I want to get out of here," bakas ang nginig sa bawat salita ni Cassy.

Hindi niya napigilan ang sumabat. "Bakit parang afraid ka?"

"Sino bang hindi afraid, Aubrey?" sarcastic na balik sa kanya ni Sam kaya napatingin siya rito at nakatanggap ng irap.

Hindi na lang siya pumatol dahil bukod sa walang motibo si Cassy para patayin si Marga at Patrick ay naging mabuting kaibigan ito sa lahat. Nagbago na rin ito. Hindi na ito tulad dati na prankster at insensitive.

Napabuntong hininga siya. Wala ring masabi ang bessy niya pero mukhang nagdududa na rin base sa pag-kunot ng noo nito.

"May load ka ba, Cassy?" si Mich na disoriented pa rin at walang kilay.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon