Chapter 10

11 0 0
                                    

Chapter 10

HINDI na naging kumportable si Marga simula noong nalaman niyang galit pa rin si Sam sa kanya. She apologized to her already. She did wrong but Sam should've not went too far. Dapat ay hindi na sinabi pa ni Sam ang galit nito sa kanya.

Ngayon ay hindi na siya kumportable sa kanilang reunion party. She felt like an antagonist that everbody wanted to get rid of. She felt like her friends would be happier without her presence.

Bumuntong hininga siya. Gusto niyang malasing ng todo para magkaroon siya ng lakas ng loob at rason na magwala at humagulhol mamaya. Hindi pa nakatulong na kanina pa wala si Charles sa kanyang tabi.

Ramdam niyang mag-isa siya kahit marami siyang kasama ngayong gabi.

Nabigla siya nong tumili ang katabi niyang pinsan. Na kay George napunta 'yong itlog kaya excited itong kumuha ng papel sa bowl. The whole sala was filled with bark of laughers when George performed a sexy dance. Lumapit pa ito kay Lucas at hinaplos haplos nito ang likod at braso habang sumasayaw.

"Hey, stop it," seryosong banta ni Lucas sabay layo para hindi mahawakan ni George.

Humarang din si Aubrey kaya iritadong bumaling si George kay Zach na tumahimik na simula noong nagtapat. Nakabalik na ito sa tabi ni Cassy. Sumulyap siya kay Sam para makita kung anong magiging reaksyon nito pero deadma. Sam just kept on drinking alcohol as Mich poured it into Sam's red cup.

Marga looked again at her dear cousin who unashamedly continued her sensual dancing. Hindi niya alam kung dahil ba sa kulang ito sa aruga o dahil gusto lang nito ng atensyon. Nevertheless, Marga wants her cousin to fully enjoy their party and the coming next days.

Dahil pag-uwi nila sa Manila ay mahihirapan na itong magliwaliw.

She saw Zach's disgusted expression when George sat on his lap. Hindi na makatawa si Cassy dahil nakangiwi na ito. Napatingin naman siya kay Claire at naabutan niya itong pinapanood siya.

Claire's lips formed into a big smile. Napangiti siya pabalik.

"Okay ka pa?" Claired asked her.

Napatango siya, naantig ang puso dahil narinig niya ang sincere na concern nito. "Thanks for asking."

Huminto na si George nong natapos na 'yong kanta. Dumating na rin si Athena at nilapag nito ang mga bote ng alak sa makalat na mesa. Bukas na ang mga 'yon at nagulat na lang siya nong nagtanong si Athena kung nasaan ang cup niya.

Inangat niya 'yon at mas nagulat siya noong nagsalin ito ng beer sa kaniyang red cup. Inubos nito 'yong laman ng isang can.

Nagbuhos rin si Athena ng bagong beer sa cup nito at nakangising nagsabi ng, "Cheers!"

Ngumisi rin siya pabalik at inuntog ang cup niya sa cup nito sabay inom ng beer. Binaba niya agad 'yon sa mesa dahil hindi niya gusto ang lasa ng beer. She's more fond of drinking expensive red wines and champagnes.

Nainggit si Aubrey sa ginawa nila kaya nagsalin na rin ito ng Martini sa bawat baso ng natira. Sabay-sabay silang nagsabi ng cheers pagkatapos. Nagparinig pa si George na kung sana ay may cellphone sila ay nakarami na silang kuha ng picture. But Athena just ignored George' laments.

Patuloy siyang uminom ng alak gamit ang bagong red cup hanggang sa bumalik na rin sa wakas ang boyfriend niya.

"Tagal mo," agad niyang reklamo. Yumakap si Charles sa bewang niya at humalik sa kanyang balikat habang nagsasabi ng sorry.

She only remained silent. Nagpatuloy ang game pero si Charles ay nakadikit pa rin sa kanya habang siya ay bumabawi sa inom ng alak.

"Nakakarami ka na, Love. 'Wag namang sunod-sunod," malambing na sita nito.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon