Chapter 7

49 2 0
                                    

Chapter 7

AFTER so many hours, Athena finally let their maids walked out of their rest house. Baka abutan pa ang mga ito ng dilim sa daan kaya pinauwi niya na.

She sighed as her eyes roamed around their sala. May nakalatag na pulang carpet sa gitna at merong dalawang mababang mesa ang pinagdikit. Nasa sulok ang dalawang pahabang sofa dahil naisip niyang sa lapag sila mauupo. Party mix songs were already playing on a speaker and some neon-colored balloons were displayed. 'Yong iba ay kinalat sa sahig. Meron ding neon lights mula sa naka-on na LED projector.

Nakalatag na rin ang red cups para iwas basag at alak sa ibabaw ng mesa, aside from foods. There's also slices of lemon and a glass picher of sparkling water. Mamaya pa papatayin 'yong ilaw dahil magdi-dinner muna sila.

"So, what do you think?" she asked.

Nagulat siya nang biglang humiyaw ang mga kaibigan niyang babae at nagsimulang sumayaw. Natawa siya.

"Can't stop 'cause we're so high! Let's do this one more time, oh!" sabay-sabay ang mga itong kumanta habang sumasayaw pa rin.

Nagpakitang gilas pa si Aubrey at si Michelle sa pag-giling. Habang si Sam at si Cassy ay limitado ang galaw dahil hindi pa lasing. But for sure, all of them will go wild as the night goes on.

Sumulyap siya sa veranda para makita ang boys na nakamasid lang sa kanila habang nakangisi. Nandoon na rin si Patrick na kadarating lang. Then, she caught her boyfriend giving her a playful wink. Lumapad ang ngiti niya.

"Get on the floor, floor! Like it's your last chance! If you want more, more! Then here I am!"

Siguro mga halos kalahating oras ang lumipas bago humupa ang energy ng mga kaibigan niya. Naupo na ang mga ito at nagyayang kumain. Pumasok na rin sa loob ang boys habang si Charles ay pinuntahan ang natutulog na si Marga sa loob ng guest room.

Honestly, she doesn't know what to feel or even react when it comes to her ex and Marga. Ngayon niya lang ulit nakita at nakasama ang dalawa sa iisang lugar kaya siguro medyo apektado pa rin siya.

Pero siguro kung walang Lucas sa tabi niya ay hanggang ngayon bitter pa rin siya. And that kind of reaction would be then reasonable because she got betrayed. Nasaktan siya nina Charles at Marga. Pakiramdam niya noon ay nagamit siya at napaglaruan. Kahit isang beses niya lang napanood 'yong sex video na sinend sa kanya ni Zach ay tumatak pa rin 'yon sa isipan niya.

Na napapatanong siya kung bakit nagawa ni Charles na lokohin siya, kung bakit inahas siya ni Marga. Kung paano nakakaya ng mga ito na salubungin ang paningin niya nang walang bakas man lang ng guilt o hiya.

Hindi niya rin alam kung nakapagpatawad na ba siya gayong hindi siya nakarinig ni isang sorry man lang mula sa dalawa. But she thinks that she must forgive now, hindi para sa iba kun'di para sa kanyang sarili.

Ayaw niyang magkimkim ng sama ng loob dahil ang sabi ng isang prof niya ay nakakapangit 'yon. So, yeah. Athena can forgive but she will never forget. She couldn't even fully trust them again after what happened.

Nevertheless, she's still glad. Nang dahil sa break-up na 'yon ay natuto siya, mas naging reserved, at nabigyan niya ng chance na pumasok si Lucas sa buhay niya. Nalaman niya rin kung sino sa mga kaibigan niya 'yong totoong concerned.

"Come to think of it, kumpleto sana tayo kung nandito rin si Tin-Tin. Do you still, guys remember that ugly weakling?"

Lahat sila ay napahinto sa kanya-kanyang ginagawa nang marinig ang pangalang 'yon.

George' question snapped her out from reverie and everyone fell silent for a moment except Michelle who continued eating her barbecue with gusto. Napapapikit pa ito habang ngumunguya. Feel na feel na parang binayaran ng isang restaurant para gumawa ng T.V. commercial.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon