Chapter 3

73 1 0
                                    

Chapter 3

CASSANDRA Tansiongco is wearing a short navy blue long-sleeved dress with matching white doll shoes. Sa kanilang lahat ay siya ang pinakamaliit at pinakamakulit. Trip niyang mang-gulo ng buhay ng iba noon lalo na kapag nasa mood siya. She also liked to pull off some pranks. Na minsan ay nagiging dahilan ng away dahil merong napipikon.

Naalala niyang halos isumpa siya noon ni Michelle nang lagyan niya ng bubble gum ang buhok nito. Hindi natanggal kaya napilitang magpagupit hanggang leeg. Hindi rin siya natakot kay Samantha noon dahil isang beses ay binutas niya ang suot nitong palda habang naglalakad. Nakita ang floral nitong shorts kaya ilang beses siyang nakalmot ni Samantha sa braso. Mabuti na lang ay naawat sila ng iba pa nilang kaibigan bago pa sila humantong sa principal's office.

Now, she's facing her old friends again in person after so many years and been reminded of her old playful self. Tipid siyang napangiti. Na-miss niya rin pala.

"Ang payat mo pa rin, Cassy! Kumakain ka pa ba?" si Michelle ang nagtanong habang nakahawak pa rin ito sa magkabilang balikat niya.

Samantha rolled her eyes. "Stressed 'yan sa PUP. Nagpapasikat, eh kaya naging malnourished."

Natawa siya. "Nasa genes kasi. Don't worry kapag nag-asawa na ko, I'll gain some weight."

"Why? Do you have a boyfriend now?" si George na sumingit at nakipag-beso rin sa kanya.

"Wala pa rin," she answered. Gaya ng sinabi ni Samantha ay naging busy siya sa pag-aaral. She's a psychology student and presently conducting a study. Wala na siyang oras para maglibang pero dahil sa kagustuhang makasama muli ang mga kaibigan ay nagpunta siya sa kanilang reunion. She wouldn't miss a chance to see how her friends have changed throughout the years.

Lumapit na rin si Athena at si Aubrey sa kanya kaya nagyakapan din sila at nagsabihan ng 'I miss you'. Then, Athena introduced her boyfriend to her. Talagang inobserbahan niya ito mula ulo hanggang paa. Maamo ang mukha ng lalaki at mukhang palaging nakangiti. Given na 'yong gwapo at matangkad dahil nasa criteria 'yon ni Athena. That girl would never settle for less. Gusto nito 'yong ma-ididisplay sa public.

Sumulyap si Cassandra sa kasamang kaibigan na babae. Si Claire Lopez na walang kibo at halatang hindi na kumportable. Her friend's eyes were busy roaming around the rest house. Napahinto lamang ito nang mapansing nasa kanya na ang buong atensyon ng mga kaibigan niya.

Tumikhim muna siya bago nagtangkang magsalita. "Blockmate ko, si Claire. I brought her kasi meron kaming ginagawang case study and maybe later, I can find time."

Nagreklamo ang lahat maliban kay Lucas at Claire dahil sa sinabi niya. She has no choice. Malapit na ang defense and she cannot afford to fail. Alam nilang hindi siya sanay bumagsak sa kahit anong bagay. Siya na nga siguro ang dakilang grade concious sa barkada.

"Nice meeting you, Claire. I'm Athena Mariano. And please discourage Cassy about doing your study. Come on, we'll be partying all night!" si Athena sabay yakap kay Claire. "Huwag ka sanang ma-out of place," dagdag nito.

Claire smiled. "I won't and nice meeting you, too."

Ganoon din ang ginawa ni George. She hugged Claire and introduced their friends to her. One by one. May kasama pang side comment kaya napapangiti na lang si Claire kahit na pinuna rin nito ang pagiging flat-chested niya. She's also oblivious of Samantha who keeps rolling her eyes. Halatang hindi nito nagustuhan ang pagdadala niya ng kasama sa kanilang reunion.

She only sighed. Cassandra is very much aware of her friends' attitude. Na minsan ay napapaisip siya kung paano nga ba sila naging magkakaibigan.

"I don't like you, Claire, ha. So, don't approach me," Samantha even faked a smile.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon