Chapter 13

0 0 0
                                    

"Seriously, Viel? Dahil lang dun nagsinungaling ka na gusto mo si Russel?" tanong ni Reign habang magka video call kami.

I know, na ang gaga ko kasi padalos dalos ako sa mga sinasabi ko. Miski ako nagsisisi na rin sa binitawan kong salita that time.

"Naiinis ako sa sarili ko, Reign. Ngayon lang nag sink in sa'kin lahat ng sinabi ko nung isang araw.." nagulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration.

Pa'no na 'to? Naasa na si Russel na gusto ko na rin siya.

Maviel naman kasi! Ayaw munang mag isip isip!

"So anong plano mo ngayon? Paninindigan mo ba 'yan?" tanong ni Reign habang nakain ng isaw.

"Malamang kailangan ko ng panindigan. Kailangan magustuhan ko rin si Russel. Since Donny is already in love with someone else, kailangan ko na ring ma in love sa iba.." paliwanag ko.

"Taray naman, naging kayo? Naging kayo? Pero okay, if you say so. But, what if trip trip lang 'yun ni Donny?" napatitig ako kay Reign na nasa screen.

"What do you mean by that? Anong trip trip?" takang tanong ko

"What if hindi naman talaga niya gusto 'yung Alex girl na 'yun?" napaisip ako sa sinabi niya.

"I don't think so. Hindi naman sinungaling si Donny.." katwiran ko. Kumibit balikat lang si Reign.

"We'll never know. By the way, aalis na kami nila Mommy. Mamaya na lang ulit. Bye! Love you!" nag flying kiss muna siya bago binaba ang tawag.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong gig ngayon, nasa bakasyon si Ate Jari.

My phone beeped.

Unregistered Number:

Can we go on a date?

Who's this?

Magta-type na sana ako ng reply ng may nag text ulit.

Unregistered Number:

This is Russel by the way :>

Oh fudge. It's Russel. Akala ko kung sino.

Ako:

Yeah, sure. Kailan ba?

I changed his name.

Russel:

Pwede ka ba ng after lunch?

Ako:

Of course. Pero ask muna ng permission kay Mommy.

Russel:

No prob. I'll fetch you at 1 pm.

Ako:

Alright. See you :>

Binaba ko ang phone ko at tumayo sa kama. Magde-decide na ako kung anong susuotin ko mamaya. Should I wear dress? Kaso hindi naman ako masyadong comfortable kapag ganun, e mahangin pa naman lately.

How about a jogging pants? I don't think so, Viel. Bahala na! Tatanungin ko na lang si Ate mamaya.

I decided to wear a simple dress. Syempre, date lang naman 'yun, no need na magpaka-bongga.

Pinupunasan ko ang flat shoes na susuotin ko mamaya ng biglang may kumatok sa pinto.

"Pasok.." sagot ko.

Sumilip si Mama bago pumasok.

"Nasa baba na ang ka-date mo," anong oras na ba? Hala 12:30 na. Hindi ko namalayan!

"Pababa na rin po ako.." sagot ko ng naayos ko na ang sapatos ko. Sinuot ko na rin.

Tumawag nga pala si Reign kanina. Nagbigay na naman ng hindi matinong advice.

We Could Happen Where stories live. Discover now