"Viel, anong oras gig mo?" tanong ni Ate
"Mamayang 7:30 pm.." sagot ko habang inaayos ang damitan.
"Ingat ka. Malay mo makita mo si Donny dun.." sus, imposible
"Hello ate? Nasa Calamba tayo. Anong gagawin nun dito?"
"Malay mo lang naman. Bakit ka nagagalit dyan? Wag mong sabihing naasa ka?" inirapan ko na lang sya para hindi na kami magtalo.
Ayaw kong nakikipagtalo dito kay Ate. Hinding hindi yan titigil sa pakikipagtalo hangga't di sya nananalo.
Pagkatapos kong magligpit ng damit ay dumeretso na ako sa baba para kumain. Mahirap ng malipasan ng gutom. Sayang ang magandang lahi namin kung pumayat ako at pumangit.
Oy nagbuhat ng sariling bangko!
Hayaan nyo na, minsan na nga lang magmaganda, pagbabawalan nyo pa?
"Bunso ingat ka mamaya sa gig mo.."
"Oo naman Kuya Cj. Ako pa! Hatid mo ako a?"
"Ayan, sinasabi na nga ba.." tumawa ako at umakbay kay Kuya.
"Ayos lang naman kung ayaw mo Kuya. Pero kaya mo bang matiis na mapahamak ako? Pano kung mamaya may humigit sa akin dyan sa tabi tabi? Pano kung bigla akong mahimatay sa daan? Pano kung-"
"Oo na! Dami mong satsat e.."
"Bakit di ka na lang magpasundo sa boyfriend mo? Ano nga ulit pangalan nun? Yung nasa TV, bunso? Si Downy ba yon o Loonie?" pft, si Daddy talaga!
"Daddy, Donny yun! Si Donny Pangilinan po.." tumawa si Ate sa narinig
"Downy? Loonie? Grabe ka 'dy.." napasimangot na lang ako.
Wish ko lang na totoong boyfriend ko talaga si Donny!
I admire Donny since January 14, 2018. Now, it's 2020. So kung bibilangin, 2 years and 7 months na akong fan na fan ng nag iisang Donny Pangilinan!
Actually for me wala naman yun sa tagal, sa laging active sa social medias, sa laging nakakasama sa mga meet and greets nya. Kundi nasa kung paano mo talaga sinusuportahan ang iniidolo mo na may halong sinseridad sa puso mo.
I'll admit that sometimes, I'm very sad and at the same time, insecure, when other fans are flexing their pictures with Donny on their social media accounts like Twitter or Facebook.
Nakakainggit kapag may na notice sya. Tapos yung minsan ka na lang maging active sa Social Media tapos hindi ka pa mapapansin. Sobrang nakakalungkot pero syempre as a fan, wala akong karapatang mag inarte.
Swertehan na lang talaga yan kapag napansin ka.
Bukod kay God, Family and Friends, si Donny talaga ang isa sa nagiging inspirasyon ko para mag go lang ng mag go sa buhay.
Iba pa rin talaga kapag inspired ka. Mas lalo kang ginaganahang gawin yung mga bagay na magdadala sayo sa tagumpay.
I always pray to god na sana hindi ko lang sya hanggang picture makita, na sana marinig ko yung boses nya in person, yung aakbayan nya ako pag magpi-picture kami.
Hanggang hindi pa nadating yung tamang tao para sa kanya, andito lang ako. Patuloy akong aasa na sana balang araw, ako yung tamang tao na inilaan ng Diyos para sa kanya..
Author's note: Hi Donny Fam! Hope you'll like this story and don't forget to vote. Thank you in advance:)
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS