Chapter 12

1 0 0
                                    

"Mas magandang mag aral muna kayo bago maghanap ng boyfriend.." pangaral ni Ate Maikee sa amin ni Reign.

"O tandaan mo 'yan Reign.." lingon ko sa kaibigan kong namutla bigla kaya nagtawanan kaming lahat.

"Ikaw rin Maviel." sagot nito sa akin.

"Marami po 'yang manliligaw sa school. Lagi nga po akong tagabitbit ng natatanggap niyang regalo.." sabay simangot ni Reign.

So laglagan day ngayon?

"Hindi na ako magtataka. Maganda talaga si Maviel kaya madaming mabibingwit 'yan.." sabay tawa ni Ate Maikee. Nasa akin tuloy ang lahat ng atensyon nila.

"Basta ako, Russel lang malakas.." sabi ni Kuya Ricci sabay taas ng bondpaper na may nakalagay na "Team Massel" gagu talaga

"Ibaba mo nga 'yan. Naalibadbaran ako.." sabi naman ni Russel sabay tawa.

"Naalibadbaran pero tumawa tapos nagba-blush?"

"Ako, Donny lang malakas.." sabi naman ni Kuya Robi. Tumayo naman si Kuya Andre at may kinuha sa ilalim ng lamesa. May binuklat siyang tarpaulin. "DonViel lang malakas" pucha 'yan! Bakit hindi ko nakita 'yan sa ilalim ng lamesa?

Nag effort pang magpa tarpaulin ha.

Nasamid naman si Donny sa nakita niya. 

"Ako admin ng DonViel.." sabi ni Kuya Robi.

"Ako admin ng Massel.." sagot naman ni Kuya Ricci.

"Sabi sayo Ate Maiks, mahaba buhok niyan ni Maviel. Sarap sabunutan e.." si Reign sabay lamon ng mamon na nasa pinggan niya.

Mahirinan ka sana.

"Tama na nga 'yang asaran niyo. Mamaya mairita sa inyo si Maviel.."saway ni Ate Maikee sa kanila.

Nanahimik na rin naman sila.

Hindi na ako makaimik sa mga nangyayari. Anong Massel? Anong Donviel?

"Teka, ano bang kukunin mong course sa college, Maviel?" tanong ni Ate Maikee.

"Hindi ko pa nga po sure e. Sabi po ni Ate maganda raw po ang Mass Communication kaso hindi po ako masyadong sociable na tao.."

"Mahirap 'yan." sagot niya habang nakatingin sa'kin. "But if may hindi ka pa alam na ibang course sa college, I can help you on that thing since I graduated na naman.." ngumiti ako kay Ate Maikee. Ang bait pala niya.

"Kailan ba free time mo, Viel?" tanong ni Kuya Robi sa'kin sabay akbay kay Ate Maikee.

"Ano ba 'yan! Huwag nga kayong mag akbayan sa harap ng pagkain, naalibadbaran ako!" sigaw ni Kuya Ricci na nagpatawa sa'min.

"Oh ano inggit ka na naman? Ayan si Reign a, akbayan mo na! Hiya hiya ka pa. Tandaan mo, hindi uso sa'yo 'yun!" sabi naman ni Kuya Robi, kaya nakurot siya ni Ate Maikee sa tagiliran.

"Ikaw rin naman, hindi uso sa'yo 'yun." sabay sabay kaming napa "oww" sa sinabi ni Ate Maikee.

Bars 'yun Kuya Robs.

Natapos na kaming kumain kaya nagkwentuhan na lang kami. Puro asaran nga 'to sila Kuya Ricci kaya kami nila Reign tawa na lang ng tawa.

"Ang kapal ng mukha mo pare, mukha ka namang itlog nung nagpakalbo ka nung elementary days! Kala mo hindi kwinento sa'min ni Tita Abby 'yun ha.." sabi ni Kuya Andre na lalong nagpatawa sa amin.

"Sus, sino kayang nakitaan ng birdie nung high school na siya?" umasim ang mukha ni Kuya Andre sa sinabi ni Kuya Ricci.

Sila Kuya Robi naman napatayo na sa upuan sa sinabi ni Kuya Ricci. Tawang tawa sila ni Donny. Finally, you're smiling. Ang cute cute mong tignan kapag natawa ka.

We Could Happen Where stories live. Discover now