Chapter 10

0 0 0
                                    

"You're late, Dons. Where have you been ba?" Si Kuya Andre

"Sinamahan ko lang si Sol sa Mall." sagot niya sabay tingin sa akin

Mygad, Viel! Umayos ka! Anong itsura 'yan? Napakurap ako habang nakatunganga pa din sa kaniya.

God, is this real? I can't believe that Donny's in front of me. I mean, kanina lang pinag uusapan namin siya nila Kuya Robi tapos ngayon, andito na siya sa harapan ko.

"Oh by the way, Dons, This is Maviel," si Kuya Robi sabay turo sa akin.

Omg! Eto na 'yon! Susunod nito ipapakilala na ako kala Tita Maricel. Charot.

Tinapik ako ni Reign kaya napabalik ako sa ulirat. Nakatingin na pala sakin si Donny. Please, 'wag kang ganiyan.

Inabot niya sa akin ang kamay niya.

"Donny," maikling sabi niya. Inabot ko ang kamay kong nangangatal. Nakikita ko na natatawa si Kuya Robi.

"Viel," kinilabutan ako ng nagdikit ang palad namin. Nakakahiya! Baka pasmado pa 'yung kamay ko.

"My pleasure to meet you," sabi niya ng nakatitig pero binawi naman agad niya 'yung kamay niya.

Ay bitin.

Sunod na nagpakilala si Reign. Ay andito pa pala siya.

"Cci, let's change position." si Russel na biglang tumayo at tumabi sa akin.

"Oh ayan na, binabakuran na oh!" asar ni Kuya Andre kay Russel.

"Baduy mo Russel. Gusto ko ngang katabi si Maviel e." si Kuya Ricci. Binato naman siya ni Russel ng panyo.

"Ay bleh! Walang effect," asar ni Kuya Ricci

"Etong pinggan, kutsara, tinidor at kutsilyo gusto mong isunod kong ihagis sayo?" tumawa sila Kuya Robi

Pero si Donny nakatingin ng deretso kay Russel, nakangisi nga pero 'yung mata seryoso.

"Foul 'yan. Ayoko na, hindi naman ako lalaban." suko ni Kuya Ricci.

Nag-pray muna kami bago nagsikuha ng pagkain.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya sandali ko munang binitawan ang kutsara.

Reign:

See? Always expect the unexpected. So happy for you Viela Vanana :)

Napangiti ako sa natanggap na message. Nag fist bump kami ni Reign.

Ako:

Thank you, Reign Reign Go Away. Love you :*

"Ay yari tayo diyan, ngumingiti, ibig sabihin may jowa na. Pano ba 'yan Russel?" napa-angat ako ng tingin kay Kuya Andre

"Wala 'yang boyfriend." si Russel

Ha? Sino?

"Wala ka ngang boyfriend, Maviel?" tanong ni Kuya Robi

"Wala po," sagot ko sabay inom ng tubig

Sinimulan ko ng kumain ng vegtable salad.

"Bakit naman?" tanong ni Kuya Andre

"Uh, ayaw ko po m-muna kasi siyang gawing first priority. Mas gusto ko pong unahin 'yung future ko kesa sa love since makakapaghintay naman 'yan." sagot ko sabay inom ng tubig

"Oh Russel? May panahon ka pa para mag aral manligaw.." tawanan nila Kuya Andre.

Seriously? Hindi na ako komportable sa asaran nila.

We Could Happen Where stories live. Discover now