Pagkauwi ko sobrang lakas ng tugtog sa bahay.
Mga songs ng Dan & Shay, malamang si Ate 'to. Halos rinig hanggang kabilang baranggay ang tugtog e.
"Ano ba yan nakakarindi!" sigaw ko habang naghuhubad ng rubber shoes.
"Patay ka kay Kuya Mark! Bakit ngayon ka lang daw?" inirapan ko lang siya
"Matatakot na ba ako?" binatukan lang ako ni Ate
Biglang bumaba si Kuya Mark.
"Oh san ka galing? Diba ang usapan after gig deretso uwi na?" napanguso ako
"Bumisita lang ako kay Reign.."
"Sinong Reign? Baka Rey talaga pangalan nun tapos ginawa mo lang pang babae yung pangalan? Nako ha, sinasabi ko lang sayo na 'wag na 'wag 'yang magpapahuli sakin!"
"Kuya ang OA!" kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita ang picture ko na kasama si Reign. Pinakita ko na rin yung video kung saan nakanta kami pareho.
"Sa kanila talaga ako galing, Kuys!"
Mukha namang satisfied sya sa sagot ko kaya di na sya nangulit.
"Oh tara na dito sa dining table, kakain na!" si Mama na nakadungaw sa kusina
"Saan po si Daddy?" tanong ko habang inaayos ang naka ponytail na buhok.
"Nasa trabaho pa. Mabuti at ikaw ang naunang umuwi, kung hindi patay ka sa Ama mo.." si Mama habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko.
"Ako na, Ma.." kinuha ko ang sandok sa kanya. Inaantok na ako. Bibilisan ko na lang ang pagkain ng makatulog na.
Grabe parang mapapaos ata ako ngayon. Ang sakit ng lalamunan ko. Nasobrahan ata ako sa pagkanta kala Reign. Ikaw ba naman kasi Maviel, ang sabi'y kumanta ka lang, hindi mag concert. 'Yan tuloy, paos ka ngayong gaga ka.
Tinext ako ni Reign.
Reign:
May crush na akong bago!
Ako:
Oh tinatanong?
Reign:
Hinayupak ka!
Lol. Sa aming dalawa, siya talaga ang mabilis mapikon.
Actually, maraming kaibigan na akong nadaanan bago ako mapunta kay Reign. Lahat ng naging ex-bestfriend ko halos limot na ako. Well, ayos lang naman sakin. Wala namang permanenteng kaibigan sa mundong 'to. Pero iibahin ko si Reign sa kanila, isasama ko na rin si Mik Mik. I'll try my best to be a good bestfriend to the both of them.
Ako:
Joke lang, Reign. Sino ba 'yan? Send pic ng masiyasat!
Reign:
'Wag na lang. Nawalan na ako ng gana.
Wushu, arte amp!
Ako:
Magse-send ka o magse-send ka?
Reign:
Wow a. Galing magbigay ng option.
Sakit na ng daliri ko kakatype ng madiin sa screen ng cellphone ko kaya tinawagan ko na lang sya.
"Napaka arte mo ha! Sino ba 'yang lalaking yan?" sigaw ko sa kabilang linya
"Wala. Nevermind na lang!" sigaw niya sabay baba ng telepono.
Aba't! Ang bait na kaibigan.
Bago ako matulog ay nag check muna ako ng fb account at sa twitter na rin. Baka kasi may update about kay Dons.
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS