"Oo naman Russel! Ayos na ayos lang kay Maviel." si Ate Jari na pinangunahan ako sa pagsagot.
Wow a, ikaw ba kakanta Ate Ja?
Tumango na lang din ako kay Russel at ngumiti.
"Buti naman. Akala ko ire-reject mo e.." sabay tawa.
"O sya sya, mag-practice na kayo kung anong kakantahin niyo mamaya. Mag aayos pa ako sa loob.." sabi ni Ate Jari at basta na lang kami iniwan ni Russel.
Ang awkward tuloy!
Tumikhim siya bigla kaya napatingin ako sa kaniya.
"Uh, uncomfortable ka ba sa akin?" tanong ni Russel na nakatitig na naman sa akin. Ano ba 'yan! Matutunaw na talaga ko nito!
"H-ha? Hindi a! Sinong namang nagsabi na hindi ako comfy sayo?" naaamoy kong si Jariyah na naman! Char.
"Walang nagsabi. Nahahalata ko lang.." he chuckled. Napangiti tuloy ako ng hilaw.
"O sige. Aaminin ko na, medyo uncomfy nga ako. Nai-ilang ako na ewan.." sabi ko habang nakatingin sa stage.
"Oo nga. Nakatingin ka nga sa stage habang kinakausap ako e. Kaya nai-ilang ka talaga.." namula ako sa sinabi niya.
Ano ba 'yan Maviel Vaughn! Umayos ka nga! Nakakahiya ka!
"S-sorry.." napakamot ako sa ulo.
"Ayos lang, ang cute mo nga e," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ajuju! Hinaharot mo na ba ako Kuya Russel Reyes? Hindi na pwede! Magagalit si Donny kapag nalaman niyang hinaharot mo ako!
"Halika na, mag-practice na tayo ng kantang kakantahin natin mamaya.." tumango ako sa kaniya pero nanatili siyang nakatingin sa akin habang nakangiti.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya. Baka 'di ako makapag-pigil, mahalin ko 'to. Charot! Amporkchop! Nagtataksil ako sa asawa ko.
Reign:
Punta ako sa resto bar, bebi.
Text ni Reign habang nagpapahinga kami ni Kuya Russel after naming ma-practice 'yung kakantahin namin mamaya.
Ako:
Sure, bebi. I'll wait you here:*
"Boyfriend mo?" napa-angat ako ng tingin sa nagtanong.
"Ha? Hindi Kuya Russel. Kaibigan ko," sagot ko habang umiinom siya ng tubig na inihanda ni Ate Jari kanina.
"Uh-huh. Sabi ko 'wag mo na akong tawaging Kuya, lakas maka-matanda e.." napatawa kami pareho dahil sa sinabi niya.
"Oo nga pala," napa-inom na rin ako ng tubig dahil sa kahihiyan.
"Siguro naman hindi gaanong malayo ang age gap natin kaya 'wag mo na akong tawaging Kuya, like what I've said, Russel is enough. Ilang taon ka na ba?" sabay inom niya ulit ng tubig.
"16 years old," naibuga niya ang tubig na kakainom lang at napanganga sa akin.
May tumalsik pa sa mukha kong kaunting tubig. Agad siyang lumapit sa akin at inabutan ako ng panyo. Natataranta pa siya kung pupunasan niya ba ang mukha ko o ano.
Maingat niyang hinawakan ng likod ng ulo ko at siya na ang nag-punas ng tumalsik na tubig sa mukha ko.
Nanigas ako dahil sa ginawa niya. Kukuhanin ko na sana ang panyo sa kaniya ng biglang may nalaglag na kung ano kaya napatingin kami sa pinagmulan ng ingay na 'yun.
Si Reign andyan na! Nakita niya 'yung ginawang pagpupunas ni Kuya Russel sa mukha ko.
Agad na umatras si Kuya Russel sa akin at hinihintay kung lalapit ba si Reign. Naku po, baka ano na namang maisip nito dahil sa nakita niya.
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS