"What happened? May na-feel ka bang spark?" kumunot ang noo ko sa tinanong ni Reign.
"What spark are you talking about?" I'm doing our project about arts. Habang nalamon naman si Reign sa harapan ko ng V-Cut, lakas mang inggit nito a.
"Alam mo na 'yon, gaga. Kunwari ka pang hindi mo alam."
"Walang spark, pero kilig meron. Saka ano ba, unang date pa lang 'yun. Hindi naman ako padalos-dalos sa mga ganyan. Hindi rin ako mabilis ma-fall kaya huwag ka munang magtanong tungkol sa spark spark na 'yan,"
"O ba't ka nagagalit? Haba pa ng explanation, masyadong defensive ha." patuloy niya habang nakagat ng V-Cut.
"I'm not defensive. Kinaklaro ko lang 'yang mga maling sinasabi mo," sagot ko habang nilalagyan ng cover ang ginawa kong project sa illustration board.
"Okay, if you say so," sagot niya at kumibit balikat.
After kong gumawa ng project ay tinawag na kami ni Mama sa baba para kumain ng lunch. Of course, adobo ang ulam, our favorite.
"Anong oras ka uuwi, Reign hija?" tanong ni Mama.
"Pass 12 po, Tita.." sagot ni Reign habang kumukuha ng ulam. For sure magiging favorite niya rin 'tong adobo, aba, mama ko ata nagluto nito.
My phone beeped. Hala, nakalimutan ko nga palang iwan 'to sa study table kanina.
Russel:
Kumain ka na?
Ako:
I'm eating, atm.
"Don't use your phone while you're eating," saway ni Daddy. Sumilip tuloy si Reign sa cellphone ko.
"A, may ka-text, sana lahat," asar ni Reign kaya sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa.
Nag vibrate ulit ang cellphone ko. Mamaya ko na titignan, baka may maki-chismis ulit.
Naghuhugas ako ng pinggan ng biglang may nag door bell.
"Ma, may tao!" sigaw ko, nasa taas kasi sila Mama.
"Wait lang!" sigaw ni Ate. Nagmamadaling tumakbo pababa si Ate.
"Sino pong ha-" hindi na natuloy ni Ate ang sasabihin niya.
"Sino daw tao?" tanong ko habang binabanlawan ang baso.
"Maviel! Maviel!" sigaw ni ate sa'kin.
"Bakit? Para kang tanga dyan," sigaw ko pabalik.
"Hi Maviel!" nabitawan ko ang pinggan habang ng marinig ko ang mga pamilyar na boses na 'yon.
Sila Kuya Robi!
"Are you alright?" agad lumapit si Kuya Robi sa'kin. Nabasag pala 'yung pinggan.
Chineck naman ni Kuya Andre kung may sugat sa kamay ko, thank god at wala.
"Sorry, nabigla ka ba namin?" napakamot tuloy siya sa ulo.
"Okay lang Kuya Robi. Ano pong meron?" inaya ko sila sa sofa sa sala para makaupo naman sila at mapagsilbihan. char.
"Wala, nabisita ka lang namin ni Dre,"
"Kayo lang po?" tanong ko habang nakatayo pa rin.
"Are you expecting someone bukod sa'min?" nakangising tanong ni Kuya Andre. Napairap tuloy ako na siyang ikinatawa ni Kuya Robi.
"Maghahanda po kasi ako ng pagkain, kung good for two lang po ang ihahanda kong pagkain, baka magtampo 'yung iba, kung meron pang susunod.." paliwanag ko.
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS