Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Kanina pa 'to ha! Tawag ng tawag, alam ng natutulog.
Kinapa ko ang cellphone sa ibabaw ng table.
11 am na! Hala jusko! Tanghali na! Ngayon lang ako nagising ng ganito ka-late.
Puro si Reign ang nagtadtad ng mga messages at calls. 'Yung iba si Ate Jari pero kadalasan si Reign talaga
Reign:
I have a chika!
Reign:
You will not believe this, Viela Vanana!
Reign:
Hey, wake up!
Reign:
Hoy batugan! Usong gumising!
Reign:
I'll send the link na lang on your messenger account.
Nag-open agad ako ng messenger at pinress agad ang message ni Reign.
Nakalagay sa article na laging nakikita si Donny sa isang resto bar! Where? Saang resto bar? Oh my geez!
Ako:
Saang resto bar?
Reign:
Idunno. Walang specific location na sinabi.
Bisit! Ano ba 'yan!
Nag-tweet agad ako.
Maviel@vielavanana
@donnypangilinan saang resto bar ka pumupunta ha!?
a thread;
Maviel@vielavanana
DM me! Kasi OTW na ako! Kung totoo man:*
Bumangon na ako at naligo muna. Mamaya ko na po-problemahin si Donny, lalamon muna ako.
"Oh kamusta tulog? Ayos ba?" si Ate habang nakain ng Nova.
Grabe 'to si Ate Rai. Ako 'yung napagalitan ni Mama nung isang araw dahil inubos ko daw 'yung Nova, eto palang isa ang lantak ng lantak.
"Ayos na ayos!" sigaw ko sabay make face sa harapan niya.
Maba-badtrip na sana ako kaso naalala ko 'yung mga nakita ko kagabi. Ayun, nawala na ang pagka-irita ko sa isang saglit.
Grabe naka-ilang ulit ako ng kain. Nakakagutom talaga! Hindi din ako naka-kain kagabi. Ang last na kain ko 'yung sa resto bar pa.
Ate Jari:
Makakapasok ka pa ba?
Ako:
Oo naman, Ate. Bakit may problema ba?
Ate Jari:
Hays, salamat Tito Roco. Akala ko hindi ka na papabalikin dito.
Ako:
Akala ko nga din Ate e. Ayaw kong iwan ang resto bar ng ganun ganun na lang.
Ate Jari:
Hindi ko na papabalikin dito sa resto 'yung mga lalaking humarang sa inyo ni Noah kagabi.
Ako:
Bakit naman Ate? Wala namang ginawang masama sa akin. Ang 'wag mo ng pabalikin sa resto bar mo, 'yung mga lalaking maiingay sa unahan kahapon! Mababait naman 'yung humarang sa amin ni Noah 'no! Kasi mga artista!
Ate Jari:
Sus, parang ayaw kong maniwala na mga artista humarang sa inyo! Wala namang sinasabi sa akin si Noah. Saka anong sinasabi mong wala naman silang ginawa sayong masama, sayo lang? Alalahanin mo naman 'yung kapatid ko na bet na bet ka.
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS