"Ano bang pumasok sa kokote mo at ang dami mong kausap na lalaki doon kanina? Ang dilim dilim pa doon, Maviel! Kita mo pa 'yang suot mo ha? Jusko! Paano na lang kung hindi ako dumating kaagad ha? Mapapaano ka?" sigaw ni Daddy habang pilit siyang pinapakalma ni Mommy.
Nanatili akong nakayuko. Hindi alam kung paano ipapaliwanag ang mga nangyari kanina. Natatakot kasi akong magsalita, dahil baka sabihin, sumasabat na ako.
"Kumalma ka nga Roco. Kausapin mo ng maayos ang anak mo. Babae 'yan, 'wag mong sigawan dahil mabilis maging emosyonal.." sabi ni Mama kay Daddy habang hinihimas ang likod nito.
Uminom si Daddy ng tubig ni Iniabot ni Ate Rai.
"Ngayon, magpaliwanag ka." si Daddy habang nakahalukipkip.
"Uh..Kakahatid lang p-po talaga s-sa akin ni Ate J-Jari that time. E kaso po marami pa raw siyang aasikasuhin sa resto bar na kalat kaya ipinagkatiwala niya po ako kay Noah.."
"At mapagkakatiwalaan naman ba ang Noah na 'yun?" si Mommy
Tumango agad ako.
"Mabait po si Noah gaya ni Ate Jariyah. Hindi po nila ako kailanman ginawan ng masama.."
"Tapos? Anong sunod? Bakit ang dami mong kausap na lalaki kanina?" si Daddy na nakataas ang isang kilay.
"Actually, naghihintay po kami ng tahimik ni Noah doon hanggang sa sumulpot po silang lima sa harapan namin. Hinarang po agad ni Noah 'yung kamay niya para protektahan ako kung sakaling may bad intentions sila sa akin, pero wala daw po silang intensyon na ganun.."
"And then?" si Mommy
"Nagpakilala po sila sa akin. Sabi nila masyado daw silang nagandahan sa boses ko habang kumakanta ako kanina.."
Napa halakhak si Ate Rai.
"Si Andre Lagdameo po 'yung unang nagpakilala.." biglang kinuha ni Ate 'yung cellphone niya at sinearch agad.
"Ay! Hindi sya masyadong sikat pero nakakasama siya ng ibang vlogger." nakisilip na kami nila Mommy.
Omg! Siya ba 'yung nakakasama ni Hannah Pangilinan sa ibang mga vlogs niya? Omg! I didn't know that! Nakakahiya ang inakto ko kanina! Kainis ka, Maviel!
"Oh sinong sunod?" napabalikwas ako sa sunod na tanong ni Daddy.
"Maniniwala po ba kayo?" napataas ang kilay nilang tatlo.
"Sino nga? Dami pang paligoy-ligoy!" 'wag kang excited Ate! Sila Daddy kausap ko!
"Si Robi po 'yung sunod."
"Robi? What's the surname?" nakaantabay na sagot ni Ate.
"Robi Domingo.." napanganga siya.
"Seryoso ka diyan? Hindi ba 'yan prank? Hindi ka ba inaantok?" tinampal siya ni Mommy sa hita.
"Grabe ka magsabi sa kapatid mo! Umayos ka!" napaayos ng upo si Ate.
"Sinong Robi?" si Mommy at Daddy
"Lagi po syang nagiging host sa mga tv shows sa Abs-Cbn, Mommy.." ipinakita ni Ate 'yung picture niya.
Mukhang hindi sila naniniwala. Pero pinagpatuloy ko pa rin.
"Sunod po si Russel Reyes.."
"You mean? Russel Reyes ng Boy Band PH?" si Ate na napaayos ng upo.
Tumango ako.
"Dapat ba akong maniwala sayo?" si Ate. Napairap ako sa kawalan. Pangatlo pa lang 'yang sinasabi ko pano pa kaya 'yung susunod na sasabihin ko.
"E di huwag kang maniwala!" humarap ako kay Daddy.
"Si Ricci Rivero po 'yung pang-apat. 'Yung crush na crush ni Ate, daddy, nakita ko kanina. Mainggit ka!" sabay tingin ko kay Ate.
"Hindi ako mai-inggit dahil hindi naman ako naniniwala." tumayo na siya at dumeretso sa kwarto niya.
O e di wag! Pakialam ko kung ayaw mong maniwala! Bahala ka diyan, atleast nakita ko sila.
Ang kaso..
"Sino 'yung pang-lima?" tanong ni Daddy na nag a abang. Magagalit ka pa ba Daddy? Parang nae-excite ka pa sa mga chika ko e. Hindi mo ba ako papagalitan?
"Ayun lang, Daddy. Hindi na nakapagpakilala kasi dumating ka na.." sinapok ni Mommy si Daddy.
"Bakit ka ba kasi biglang umeksena! Panira ka ng moment ng anak mo e!" napatawa ako kay Mommy.
"Anong sinasabi mo Eliya? Paano kung hindi ako dumating agad? Baka napaano na 'yang anak natin!" depensa ni Daddy sa sarili.
"Sana binantayan mo muna kung may gagawin bang masama. Kita mo na, na puro artista pala nakaharap ng anak natin kanina! Nakakahiya ang inakto mo!" tumayo si Mommy at pumasok na rin sa kwarto nila Daddy.
"Sorry Daddy. Hindi na po mauulit.." napayuko ako. Nag away pa tuloy sila ni Mommy dahil sa akin
"Pagbibigyan kita ngayon, Maviel. Sa susunod na makita pa kita ulit na kausap ang mga lalaking 'yun ng gabing gabi, hindi na kita papabalikin sa resto bar na 'yun. Naiintindihan mo?" tumango ako at yumakap kay Daddy.
Wooh! Napahinga ako ng maluwag dun ha. Akala ko majo-jombag ako nang bongga e!
"Matulog ka na. Alam kong napagod ka. Sayang at hindi nakapag-pakilala 'yung huli.." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy.
"Daddy!" tumawa siya at napatawa na rin ako
"Biro lang. Umakyat ka na at magpahinga." tumango ako at dumeretso na nga sa kwarto. Naligo muna ako at nagpalit ng damit pang-tulog.
Ate Jari:
Pinagalitan ka daw? Naku pasensya na Maviel. Pwede ko bang makausap si Tito Roco?
Ako:
Ayos na Ate Jari. Hindi naman ako napagalitan.
Ayoko ng alalahanin pa 'yun ni Ate Jari. Sobrang nai-i-stress na nga siya sa lagay ng resto bar niya tapos idadagdag ko pa 'yung problema kong naresolba na naman.
Reign:
'Diko na kaya. Matutulog na ako! Goodnight.
Chat ni Reign kaninang 10:30 pm.
Ako:
Sorry, Reign. Babawi talaga ako next time! Promise 'yan!
Hindi ko alam kung ichi-chika ko pa sa kanya na nakita ko si Kuya Andre, si Kuya Robi, si Kuya Russel, si Kuya Ricci at 'yung huli! Nakakainis dahil hindi ko man lang siya nakilala! Kahit 'yung mukha niya hindi ko naaninag! Gawa kasi ng cap niya tapos hindi siya gumagalaw. Baka multo talaga 'yun? Kaya hindi nagsasalita?
E sabi naman ni Kuya Andre kanina na "Your turn, pambansang labi!" sinong pambansang labi? Pwede naman nilang sabihin 'yung pangalan kanina!
Nakakainis! Sana makita ko ulit sila sa resto bar bukas! Ugh! Lord please! Nacu-curious talaga ako sa lalaking 'yun! Sana po pagbigyan niyo 'yung wish ko na makilala ko siya at makilala niya ako!
Agad akong napabalikwas sa naisip.
"Ano ka ba Maviel Vaugh Alarcon! Pinagpapalit mo na si Donny sa malapit ha!" nasapo ko ang ulo sa mga pinagsasasabi ko.
Itutulog ko na lang 'to.
:)
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS