"One, two, three.." sabay ng pagbilang ko ang pagtugtog ng mga instrumento.
Nakakainis 'to si Ate Jari, nag-invite ng banda pero 'yung tutugtog lang kasi daw kami na ni Russel ang lead vocalist. Ang sabi ko, 'wag ng kumuha pero kumuha pa din!
Si Russel ang unang kumanta.
May gusto ka bang sabihin
Ba't 'di mapakali
Ni hindi makatingin
Sana'y 'wag mo na 'tong palipasin
At subukang lutasin sa mga sinabi mo naNow it's my turn
Ibang nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalinMay biglang nag-iritan sa dulo. Pero hindi na lang namin binigyan ng atensyon. Actually, kinakabahan ako ngayon kasi first time ko 'tong may maka-duet, hindi ko alam kung magiging maayos ba ang blending namin ni Russel pero bahala na.
Nung nag chorus na ay biglang lumakas ang iritan.
"Hoy ang galing niyo bwiset!"
"Diba si Russel Reyes 'yun?"
"Girl parang hindi naman."
"Oo kaya! Tignan mo ng mabuti!"
Sinaway sila ng isang malapit na staff dun.
Nung nag-bridge na
At sa gabi
Sinong duduyan sayo (sinong duduyan sayo)
At sa umaga
Ang hangin ang hahaplos sayoNagpalakpakan sila Kuya Robi at tumayo pa si Kuya Andre. Bigla namang nagtaas si Reign ng isang bond paper na may nakalagay na "Team Massel!"
Psh, ang corny. Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos Massel lang 'yung mabubuo? Napatawa na lang kami ni Russel.
"Thank you.." nauna akong bumaba sa stage. Iniiwasan ang tingin ng mga tao.
Nag-init 'yung mukha ko sa itinaas na bond paper ni Reign kanina. Team Massel talaga? Ang baduy pakinggan e! Ambahong pakinggan!
Kinakausap na ngayon ni Reign si Kuya Ricci. Tignan mo 'to, misteryoso daw ang gusto pero sa basketball player pala magiging interesado.
Biglang hinawakan ni Kuya Russel ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Okay ka lang?" marahan kong binawi ang braso ko at tumango bilang sagot sa tanong niya.
Binalik ko na lang ang atensyon ko kay Reign. Ewan ko ba, na-awkwardan na ako kay Russel kahit hindi naman dapat. Ewan! Ang ligalig ng pananaw ko sa buhay.
Kinurot ko si Reign sa tagiliran ng nakalapit na kami sa may table nila.
"Aray ko!" ungot niya
"Oh anong nangyari?" umalalay agad sa kaniya si Kuya Ricci.
Ayon. Ang galing. Alam na this. Alam ko na ang patutunguhan nito.
"May walanghiyang kumurot sa bewang ko!" iniinda pa rin niya 'yung sakit sa bewang niya.
Ay napasobra ba 'yung kurot ko? Okay lang 'yan. Sabi nga sa Rebisco, may pasobra, dahil special ka.
"Cci, tara restroom." aya ni Russel
"Ano babantayan kitang maglabas ng sama ng loob?" tumawa si Kuya Andre sabay hampas pa sa lamesa.
Napatingin tuloy sa table namin 'yung mga tao. Ano ba 'tong kamay ni Kuya Andre.
"Sasama ka o sasama ka?" masama na ang tingin ni Russel kay Kuya Ricci.
"Aba, hindi pwedeng hindi ako sasama." sabay tayo niya at kamot sa ulo. Naiwan tuloy kami dito sa table na natawa.
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS