Chapter 15

1 0 0
                                    

Humarap si Kuya Robi sa'kin habang mukha akong ewan na nakangiti.

"Why are you smiling, Viel?" takang tanong ni Kuya Robi. Umiling ako at ngumiti ulit sa kaniya. Napalingon naman silang lahat sa'kin.

"Halika, tabi tayo," aya ni Kuya Andre sa'kin.  Nagbigay naman sila ng malaking espasyo sa'kin. Wow, parang may sakit lang.

Lumipat sa kabilang sofa sila Kuya Robi at Kuya Ricci. Kami na lang nila Kuya Andre at Donny ang natira sa mahabang sofa. Para namang ang taba ko para lumipat sila. Sabagay, okay na rin 'yun. Mas comfy ako kapag walang masyadong nakalapit na lalaki sa'kin. Since they're all actors, wala naman silang gagawin sa'king masama. They're also good boys. Hay nako, Viel, ano ba 'yang mga iniisip mo?

"Anong title ng palabas na 'yan, Viel?" tanong ni Kuya Andre

"K Drama nga 'yan e. Touch your Heart ang title," tumango siya

"Mukhang maaadik ako sa K Drama a." tumawa ako sa sinabi niya.

"Kumain ulit tayo huy, sayang pagkain! Tara Maviel," aya ni Kuya Robi.

Kumuha lang ako ng fries, since favorite ko 'to. Everytime na mag mo-movie marathon kami nila Ate, fries lagi ang snack saka V-Cut at Nova.

"ML tayo!" suggest bigla ni Kuya Ricci

"Tara! Naglalaro ka ba nun Viel?" tanong ni Kuya Andre

Tumango ako bilang tugon.

"Kaso kay Hanabi lang ako sanay. Pa'no 'yun?" tanong ko na medyo nahihiya pa.

"Okay lang 'yon! Dons mag tank ka muna, you can use Tigreal, huwag ka munang mag Khufra.." tumango si Donny

Nagsimula na ang laban. Medyo matagal na akong huminto sa paglalaro ng ML kaya hindi na ako masyadong sanay.

"Magsama kayo Tigreal at Hanabi," sabi ni Kuya Ricci.

"Sorry, hindi na ako sanay, ngayon na lang uli ako naglaro e," pag amin ko sa kanila

Lumapit si Donny sa'kin. Nagulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Nawala ang atensyon ko sa paglalaro.

"What are you doing? Matatalo tayo nyan," napatingin ako sa kaniya at napakurap. Tutok na tutok siya sa paglalaro.

"Viel may kalaban sa top, umalis ka na dyan," sigaw ni Kuya Andre kaya nabalik ulit ako sa atensyon.

Tigreal saved Hanabi. Baka napatay na ako ni Lesley kung hindi lang dumating si Tigreal. Epal 'to si Lesley, mas maganda naman si Hanabi sa'yo!

My god Maviel! Focus! Huwag mong ipahiya ang sarili mo! Laro lang 'to.

"Thank you.." bulong ko kay Donny at tumango lang siya.

Natapos ang laro at nanalo kami. Of course, si Donny ang MVP.

"Good game! Yawa ka Donny, akala ko hindi mo gamay si Tigreal, kaya naman palang gamitin! Scammer!" sigaw ni Kuya Ricci.

"Teka, C.R lang ako, saan C.R niyo Viel?" tanong ni Kuya Robi. Tinuro ko naman 'yung way.

"Ako rin!" sabay na sigaw ni Kuya Ricci at Kuya Andre.

"Dyan ka muna, Dons," sabi ni Kuya Robi. Tumango lang 'tong katabi ko. Yes, magkatabi pa rin kami. Medyo umusog nga lang siya kanina after ng game.

"What's the score between you and Russel?" tanong ni Donny na siyang ikinagulat ko. Nakatingin lang siya sa cellphone niya pero agad niya rin namang binaba 'yun at kumuha ng french fries sabay tingin sa'kin.

"Are you asking me?" tanong ko habang nakaturo sa sarili.

"Yeah, alangan namang 'yang nasa likod mo ang tanungin ko," napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong nasa likod ko? Napalingon ako sa likod ko pero wala namang tao. Oh no, don't tell me na may nakikita siya na hindi ko nakikita?  

Napausod ako sa tabi niya ng kinilabutan ako. Huli na nang napagtanto kong sobrang lapit ko pala sa kaniya.

"Don't tell me you are scared?" tanong niya

Umiling ako at bumalik ulit sa pwesto ko.

"No, I'm not," sagot ko sa kaniya

"Really? But there's someone behind you," sabi niya ulit

Nahampas ko tuloy siya ng unan ng wala sa oras. Natawa naman siya sa ginawa ko.

"Stop scaring me, Donny. Hindi nakakatuwa," sabi ko sabay tayo at lumipat sa isang sofa.

"So, going back to our topic, what's the real score between you and Russel?" tanong niya habang deretsong nakatingin sa'kin.

Asaran pala ha.

"Why are you asking? Interesado ka ba?" sabay ngisi ko

"What will you do if I say yes?" nakagat ko ang dila ko sa sinabi niya pero bigla ding kumunot ang noo ko.

"Then what about Alex tho?" tanong ko pabalik at pinagkrus ang braso

"Ako 'yung nagtatanong dito, Maviel," kinilabutan ako sa sinabi niya

Oo nga pala.

Kumibit balikat ako at umayos ng upo, "Well, Russel and I are dating.." deretso kong sagot.

Teka, ba't ang tagal naman umihi nila Kuya Robi. Mahigit 10 minutes na ang lumilipas wala pa rin sila?

"May balak kang sagutin?" umangat ang tingin ko kay Donny. Why is he asking about my status with Russel?

"I don't know. Hindi ko pa 'yan naiisip sa ngayon." honest kong sagot. Totoo naman. Hanggang ngayon, si Donny pa rin ang gusto ko. Pero I'm trying to make things right between Russel and I. Kasi alam kong hindi na pwede si Donny dahil may Alex na siya.

"So I still have a chance," nagtaka ako sa sinabi ni Donny. What chance is he talking about?

"What are you saying?" takang tanong ko

"Wala, sa'kin muna 'yon from now on," inirapan ko na lang siya.

Bwisit na 'to, ayaw pang sabihin. Akala mo ikinagwapo niya 'yang pagsasabi niya ng akin muna 'yan from now on from now on na 'yan.

"Woo! Nakapaglabas din ng sama ng loob!" sigaw ni Kuya Ricci sabay upo sa tabi ni Donny.

"Ang baho. Use your alcohol, huwag kang baboy Ricci," saway ni Donny ng makitang dadampot si Kuya Ricci ng french fries.

"Oo na, Doc."

"Anong nangyari habang wala kami?" tanong ni Kuya Andre

"Huwag kang mag isip ng kagaguhan, Dre. Hindi ko ugaling mag take advantage sa mga babae," napatawa naman si Kuya Robi sa sinabi ni Donny.

"Donny nagtanong lang naman ako. 'Nu ba, parang kanina pa mainit ulo mo sa'kin. Hindi naman ako lalaban," tumawa ako sa sinabi ni Kuya Andre.

4:30 pm ng nag decide silang umuwi. Sa labas ng subdivision sila nag park. Hindi kasi nagpapasok ng mga sasakyan kanina, pati 'yung sasakyan namin kanina hindi napapasok. Ewan ko kung anong trip ng guard dito.

"Thanks for today Viel. Nag enjoy ako! Sa uulitin," si Kuya Robi

"Luh, mauulit pa?" tumawa sila sa sinabi ko.

"Of course. Ang saya sa bahay niyo! Saka ang ganda pala ng ate mo 'no? " si Kuya Ricci. Pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Una na kami. Thank you ulit," tumango ako sa kanila. Napansin kong wala si Donny kaya napalingon ako sa likod ko. Bago ko pa man 'yun magawa ay biglang may nagpulupot ng jacket sa may bewang ko.

Si Donny.

"There's a red stain on your pants, go home immediately," sabay dere-deretsong alis. Nakatungaga ako hanggang makaalis ang sasakyan nila.

Kung hindi pa ako tinapik nung guard ay baka hindi pa ako makauwi agad ng bahay. I can't believe na Donny gave his jacket to me! Ang bango! Amoy downy! Huh, hindi ko na 'to ibabalik.


:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Could Happen Where stories live. Discover now