Hindi pinansin ni Ate ang sorry ko. Aba wala na sakin yun kung hindi niya tatanggapin, basta ako nakapag-sorry na.
Tinatamad akong mag online pero kailangan dahil sa pag aaral. Wala namang bago, ni-remind lang kami na pasahan na ng requirement sa susunod na linggo.
Reign:
Active ni Donny sa Twitter. Ang dami ng na-notice. Mag open ka na at maki-join.
Syempre sinunod ko si Reign. Napaka supportive niyan sa akin when it comes to Donny. Hindi lang naman kay Donny, halos sa lahat ng bagay naman. Halos lahat kasi ng naganap sa buhay ko sinasabi ko sa kaniya. Mas close ko pa kaibigan ko kesa kay Ate.
Bumaha agad 'yung mga ni-retweet ni Donny sa feed ko sa Twitter. Uh-oh, am I late? Hindi pa naman siguro.
Chineck ko kaagad 'yung account niya at 5 minutes ago pa lang yung huli niyang ni-retweet, so active pa 'to.
Ni-ready ko na kamay ko sa pagta-type ng mabilis.
Ang dami dami kong nai-tweet like,
" donny kailan ba tayo ikakasal? "
" bat ayaw mo akong pansinin donnyyyy! "
" ang duga, ayaw akong pansinin:< "
" hindi ako kakain kapag di mo ako pinansin! "Wow ha, kaya mong hindi lumamon? Dami mong alam Viel.
Sa dami-rami ng nai-tweet ko, ni isa walang pinansin si Donny. That means, hindi ko pa time. Okie okie, I'll wait again.
Ako:
Hindi niya ako na notice. 'No ba namang buhay ito:<
Reign:
Aww, that's your karma.
Reign:
Joke! Marami pa namang next time, Viel. Bawi na lang hehe.
Ano pa nga ba?
Lumipas ang isang linggo at medyo bumabalik-balik na ang boses ko. Mabuti naman, kantang kanta na ako e.
Ate Jari:
Pwede ka na bang kumanta mamaya?
Ako:
Subukan ko Ate Ja. Pero hindi pa masyadong nabalik boses ko e.
Ate Jari:
Ano ba yan girl. Ang dami ng naghahanap sayo dito. Konti lang tuloy mga customers ko lately dahil wala ka.
Aww, nakaka touch naman 'yun.
Ako:
Next week na lang Ate? Para sure na? Baka kasi pag pumasok ako ngayon tapos pinilit ko 'yung boses ko, baka mapaos ulit ako tapos lalo pang matagalan bago gumaling.
Siguro naman maiintindihan ni Ate Jari. Ayaw pa rin ako papasukin ni Daddy saka Mommy. Magpahinga na lang daw muna ako. Sus, ayaw lang nila ako palabasin ng bahay kasi gagala-gala na naman daw ako. Kala Reign lang naman ako nagala mga momsh.
Ate Jari:
Okie. Sana bumilis ang paglipas ng araw. Alam mo ba merong isang Celebrity na kumain dito kahapon. Ang gwapo e! Kung andito ka nako! Baka ipagpalit mo si Noah hahahaha.
Happy ka Ate Ja? Lagi mo na lang akong ina-asar kay Noah. Si Noah, kapatid niya. Hindi kami masyadong close dahil hindi ako palakaibigan sa mga lalaki. Bihira lang akong pumili ng mga lalaking kakaibiganin ko. Ilang beses na ring nagparamdam 'to si Noah na may gusto sya sa akin pero hindi ko na lang pinapansin. Hindi naman 'yun sa nagmamaganda, ayaw ko lang talaga siyang umasa dahil wala naman talaga akong nararamdaman para sa kaniya. Mas mabuti nang ipakita ko sa kaniya na hindi ako interesado kesa ipakita ko na interesado nga ako pero hindi ko naman siya gusto, mas masakit 'yun.
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS