"Lalalalalala.." pakanta-kanta lang ako habang naglalakad palapit sa bahay.
Dala-dala ko pa 'yung isaw na binili namin ni Reign malapit sa resto bar.
Swear, hinding hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'to.
Thank you so much, Lord! One of my wishes came true. Finally, I met Donny for the first time tapos unexepected pa! Expect the unexpected nga talaga.
"Mamaaaa!" sigaw ko habang naghuhubad ng sapatos. Hindi ko pa nahuhubad 'yung isang sapatos ng sumulpot si Mama at hinampas ako sa braso.
"Ang ingay mo! Tulog ang Kuya mo, makasigaw ka dyan." yumakap ako kay Mama at ngumiti.
"Ma, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko."
"O e di huwag mo ng sabihin, alam mo pa lang hindi ako maniniwala tapos sasabihin mo pa.." napakamot ako sa ulo.
Wrong timing na mag-sabi sa attitude ni Mama ngayon e. Umakyat na lang ako sa kwarto at dun nilantakan ang biniling isaw.
Reign:
Ayan picture natin kanina. Ang cute niyo ha. Inggit ako:/
Sinend niya 'yung picture namin kanina.
Ako:
Sinong nag-send sayo?
Reign:
Secret. Mag thank you ka na lang.
Ako:
Ajuju harot. Kay Kuya Ricci mo nakuha 'yan 'no?
Reign:
Hindi. Basta huwag ka ng magtanong.
Taray ng Lola mo. Nagkaroon lang ng Ricci nagbago na ang attitude sa'kin.
"Maviel!!" sigaw ni Ate sa labas
"Bakit?" sigaw ko rin. Aba, hindi pwedeng hindi kami magsisigawan dito.
Pumasok na siya sa kwarto ko. Kapal niyan e.
"Eto na gift ni Mama.." nakatingin pa rin ako sa cellphone ko at hindi iniaangat ang tingin sa Ate kong Squid Ball. Char.
"Ano akala ko kakainin mo na 'yang ice cream? Bakit binibigay mo pa sa akin? Baka tunaw na 'yan.." sagot ko
"Gaga! Hindi 'to ice cream. Buksan mo muna kasi bago ka kumuda.." nilapag niya sa kama ko 'yung isang box na na may wrapper pa.
Kinuha ko na 'yun para buksan at para matahimik na din 'tong Ate ko.
"Oh my gooood!!! Si Mama bumili nito?" tumango si Ate
"Hala!" tumakbo ako palabas ng kwarto at niyakap si Mama sa likod.
"Salamat Mommy! Salamat!" tumawa siya at tinapik ang likod ko.
Nakikita niya raw kasi na lately mukha akong pagod kakapunta sa gig tapos sa pag aaral pa. Yung gawaing bahay din daw hindi ko kinakalimutan. Kaya ayan!
Nag post ako sa Instagram.
"Thanks for the EXO Lightstick, Mom. U da best :)"
Ni-like agad ni Reign.
Comments.
"Sana lahat."
"Nakawin ko 'yan ano?"
Napatawa ako sa sinabi niya. Gaga talaga.
Biglang may nag notif sa curiouscat kong account.
"Willing ka bang magkaroon ng jowang artista?"
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS