Ako:
Sorry, Reign. Hindi na ako nakapag paalam ng maayos. Alam mo na naman ang dahilan.
Nag send pa ako ng crying emoji.
Reign:
Ayos lang, bebi. Naiintindihan ko naman! Basta marami pang next time:>
Nag send pa siya ng voice message na kumakanta ng isang paborito kong kanta ng Cueshé.
Nag tweet na rin ako.
Maviel@vielavanana
Lecheng tadhana, abot kamay ko na si Donny kanina e!
Ni-like agad ni Mik Mik at agad na nag DM sa akin.
Kwinento ko sa kanya ang nangyari kanina. Miski siya, nanghinayang rin.
Arisha Drielle Rule:
Nakakapanghinayang talaga, Kim.
Napasimangot akong lalo. Siguro si Noah talaga 'yung para sa akin at hindi si Donny.
Bigla namang nag text si Ate Jari.
Ate Jari:
May gf na si Noah.
Sabi ko nga hindi si Donny at hindi rin si Noah. Hindi na lang ako mag a-asawa! Kung hindi si Donny mas gugustuhin ko na lang na tumandang dalaga!
Nakita ko ang tweet ng isang DP Fam na kasama si Donny. Sa iritasyon ko ay naihagis ko ang cellphone sa kama. Hindi naman ako naiinggit. Naiirita lang talaga ako kasi umalis kami kaagad, sayang yung pagkakataon e.
Kung ano-ano nang ginawa ko matanggal lang ang pagka-irita ko. Gusto ko na tuloy pumasok sa gig mamaya kaso ang paalam ko next week na.
Siguro bibisita na lang ako ng saglit, mamayang hapon.
Natulog muna ako.
Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Hindi ko masyadong iminulat ang mga mata ko. Naaaninag ko si..DONNY? SI DONNY BA 'TO? SANA HINDI 'TO PANAGINIP! KUNG PANAGINIP MAN 'TO, PWES AYOKO NG MAGISING!
"Donny.." mahina kong sabi.
Napamulat ako sa malakas na sampal sa mukha ko. Tarages! Ang sakit non ha! Hindi ko alam na magaling pa lang manampal si Donny!
"Lechugas ka, Maviel! Anong Donny sinasabi mo diyan? Nanay mo 'to hoy!" takteng 'yan. Nanay ko pala 'yun. Kaya pala malakas manampal.
"Ay sorry, Ma. Akala ko si Donny e. Ano po bang meron?" sabi ko at inayos ang gulo-gulong buhok.
"Kakain na. Ikaw na lang ang hinihintay sa baba. Mag ayos ka na at 'wag mong paghintayin ang pagkain.." sungit ni Mama.
"Ay Ma!" pigil ko kay Mama. Naalala ko nga pala na pupunta ako sa resto bar ngayon.
"Ano ba 'yon!?" napabalikwas ako sa sigaw ni Mama. Napahawak pa ako sa dibdib ko.
"Bat ka nagagalit, Ma? Bat niyo po ako sinisigawan? Hindi niyo po ba ako mahal? Ampon lang ba ako, Ma? Ha? Sagutin mo ako, Ma!" binato niya ako ng libro na malapit sa kanya.
Sapul yun sa noo ko ha! Ang sakit! 'Wag sanang mag bukol 'to!
"Ang dami mong sinasabi diyan, Maviel ha! Umayos ayos ka nga. Ano bang sasabihin mo?" nakapamewang pa 'yan ha.
"Uh, pupunta po ako sa Resto ni Ate Jari.."
"Oh akala ko next week ka pa papasok? Anong gagawin mo don ngayon?"
"May kailangan lang akong gawin, Ma! Saglit lang po 'yun, promise!"
"Mga ilang segundo?" ngi, segundo a.
YOU ARE READING
We Could Happen
Teen FictionI could be everything in the world and I wanted to be HIS