Chapter 1

18 0 0
                                    

Mik Mik:

Kailan kaya tayo mapapansin ni Donny, Kim?

Napasimangot ako sa chat na natanggap ko.

Si Mik Mik. Her real name is Arisha Drielle Rule, she's also a fan of Donny Pangilinan.

I think she's more active on social medias than me. Kaya mas malaki yung possibility na sya ang unang ma-notice ni Donny kesa sa akin.

Hindi ko na matandaan kung kailan kami unang nag chat. Pero sa social media kami nagkakilala hanggang sa naging mag bestfriend kami.

Isa sa magandang factor ng pagiging fangirl is madami kang makikilalang bagong tao. Marami kang makakasalamuha once na nag join ka na sa meet and greet pero I never experience it pa. Maybe someday, if it's God's plan.

Nung naging close na kami, nag decide sya na magkaroon kami ng call sign. I called her 'Mik Mik' and she called me 'Kim Kim' baligtaran.

That's cutie for me.

Ako:

Mapapansin din tayo nun, soon. Patience lang Mik:)

Kahit ako gustong-gusto ko ng mapansin ako ni Donny, pero syempre, lahat ng bagay may perfect timing.

Mik Mik:

True. Hintay lang

She's from Cebu while I'm from Laguna. Ang layo 'no?

Sabi ko sa kanya after I graduate college pupunta ako sa Cebu para ma-meet sya.

I'm Grade 11 na. So ilang taon pa ang hihintayin.

Mik said that she will wait for me and she will tour me around their place.

That idea really excites me! Pero syempre bawal ma-excite, baka hindi matuloy.

Matagal tagal pa naman ang hihintayin ko.

Andito ako ngayon sa bahay ng isa ko pang bestfriend. Si Atasha Reign Cruz , I called her bebi.

Idunno why. Sobrang hilig ko talagang gumawa ng nickname sa mga taong super close ko na.

"Kamusta gig mo bebi?" she called me bebi na rin.

"Medyo sumakit lalamunan ko.." umubo-ubo pa ako ng pakunwari dahilan para matawa sya.

Dito ako dumeretso sa kanila after ng gig ko. Hindi pa naman ako hinahanap sa bahay. Kapag hinanap na ako, e di uwi.

"Kulang ka lang sa lambing ng Pangilinan.." sabay irap

"Oh my geez! How did you know?" lumapit ako sa niluluto nya.

"Gaga ka. Kilalang kilala ko na buong pagkatao mo. Kahit nga color ng panty mo every week alam ko!"

"Seriously Bebi?" paimpit syang tumawa

"Nevermind. Umupo ka na sa lamesa ayos na 'tong fried rice at adobo.."

At the age of 17, Reign is really independent na. She's so matured while I'm the childish one. But sometimes nagiging matured din ako 'no, pag kailangan.

Sobrang showy ko sa kanya, like what she said earlier, alam nya yung color ng panty ko every week.

Pano ba naman kasi sinasabi ko pa sa chat na ganito ang color for this day ganito bukas ganito sa susunod na araw. Like seriously Maviel? Wala ba sa vocabulary mo yung word na 'hiya'?

Di bale, babawasan ko na yung pagiging showy ko. Sa part lang naman na yun.

"Masarap ba? Maalat? Kulang sa asukal or what?" nakaantabay sya sa sagot ko

We Could Happen Where stories live. Discover now