Simula

2.5K 31 3
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Simula

Ang dahon ay kulay berde. Nagpapatianod sa tuwing hihipan ng hangin. Nasa kahoy pa rin sila at pinapabayaan ang sariling sumayaw sa ilalim ng magandang sikat ng araw at malinis na hangin. Ngunit hindi maiiwasan na ang iba ay mahulog, hindi siguro ganoon kahigpit ang kanilang kapit. Pero hindi naman doon nagtatapos ang kanilang istorya.

"Ano ba 'yan, Alina," suway sa akin ni Nadia. Natapakan ko kasi ang bagong biling white shoes nito.

"Pasensya na, hindi ko talaga sinasadya," sabi ko na merong halong panghihinayang ang boses.

Sobrang ganda ng sapatos nito at natapakan ko lang. Ang mahal pa raw ng bili rito base sa kuwento ni Nadia at regalo ito sa kanya ng Kuya Nathanielle niya.

"Charot. Itaas mo na riyan ang mukha mo," aniya at siya na mismo ang umangat sa nakayuko kong mukha. "Ikaw talaga Alina, hindi madaan sa biro!" medyo malakas na sabi nito at tumawa.

Ngumiti rin ako sa kanya.

Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinila na papunta sa room namin.

Pagpasok na pagpasok sa room namin agad na pinalibutan si Nadia ng mga kaklase namin. Isa si Nadia sa mga sikat na babae sa paaralan. Merong kaya at kilala ang pamilyang Ricote rito sa Negros.

Humiwalay si Nadia sa akin kaya tinungo ko na agad ang upuan ko. Nasa hulihan ako kasi by surname 'yung pag-arrange sa mga upuan namin.

Si Nadia naman ay hindi ganoon kalayo sa akin. Merong apat na iba pa naming kaklase ang naka-upo o nakapagitna sa aming dalawa.

Magkaibigan na kami ni Nadia simula noong grade 8 ako. Nagtratrabaho si Mama sa kanila Nadia bilang tagalinis ng bahay. Minsan na akong napupunta doon sa kina Nadia noong grade 7 ako, ngunit hindi niya ako nakikita minsan dahil mabilis lang naman ako roon sa kanila. Pero noong grade 8 ako, isang araw pinapunta ako ni Mama doon dahil hindi kaya ng kasamahan niya ang gawain dahil merong party na gaganapin. Doon ko rin nakilala si Nadia at naging magkalapit kaming dalawa.

Dumating ang oras ng tanghalian. Nadia went to eat with her other friends at the cafeteria. Samantala, naiwan naman ako sa room dahil hindi naman talaga ako pumupuntang canteen tuwing lunch time.

Sinisigurado kong meron akong dalang baon na kanin at kahit maliit na ulam lamang. Hindi malaki ang perang binibigay sa akin ni Mama na baon sa araw araw at alam kong hindi iyon magkakasya sa pang-ulam ko 'pag bumili pa ako sa canteen.

Mag-isa akong kumakain sa upuan ko. Meron akong ibang kaklase na kumakain na kasabay dito sa room pero halos lahat sila ay merong kasamang kaibigan mula sa ibang section.

Parang dumaan lamang sa harapan ko ang oras at uwian na namin. Wala naman kaming ginagawa masyado kasi iilang weeks pa lamang nang magsimula ang klase. Kaya naka white shoes kanina si Nadia dahil aliw na aliw itong pumorma at laking pasasalamat nito na meron kaming isang buwan na pwedeng mag civilian para sa amin na mga grade 11 students.

"Bye, Nadia," paalam ko at kinaway ang kanang kamay ko.

Nakasakay na si Nadia sa sundo nito. Kulay itim na sasakyan. Hindi ako maalam sa mga brand ng kotse pero alam ko at nabanggit ni Nadia sa akin na mahal ang pagkakabili ng Papa niya roon.

Binaba nito ang windshield at nagpaalam din sa akin.

"Ingat ka, Alina!" anito. Lumiko sa kabilang side ang sasakyan nila at tuluyang nakalabas na ng gate ng paaralan namin.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon