Kabanata 16
"Larkin, partner tayo sa activity," rinig kong sabi ni Kara mula sa likod ko.
Calculus namin ngayon at pinag-pair kami ng teacher namin para sa isang activity. Partner ko si Matthan. Si Astro at Nadia. And unfortunately, magkapartner si Larkin at Kara.
I squeezed Larkin's hands that were already on top of his desk.
He glanced at me and I smiled at him. Tumayo na ako upang lumapit kay Matthan. Si Astro kasi lumipat na sa tabi ni Nadia kaya bakante na ang upuan nito.
"Nakakairita ang boses ng isang 'yon," mahinang ani ni Matthan sa akin sa kalagitnaan ng pagso-solve namin.
Tumawa rin ako ng mahina para hindi kami mahuli ng teacher namin.
"Hindi nga siya pinapansin ni Larkin," sabi ko sa napansin nitong mga nakaraang araw.
"Larkin's tired of her. Ang arte. Akala mo bagay sa kanya pero hindi."
Pinagpatuloy namin ang pagsagot sa mga activities.
"Uwi na tayo," saad ni Larkin sa akin.
Tumango ako sa kanya. Umakbay siya sa akin habang papalabas na kami ng room.
"Ready ka na pala bukas?" tanong nito habang papababa na kami ng hagdan.
"Yes. Pero ido-double check ko ang mga gamit ko mamayang gabi baka may nakalimutan ako."
"Good."
Bukas ng umaga na ang alis namin papuntang Iloilo. Hindi pa naman bukas ang Dinagyang. Sa susunod na araw pa. Kasama ko si Nadia na aabsent at sina Matthan at Astro.
"Bye, ingat ka," sabi ko kay Larkin.
I kissed him on his cheeks, then he gave me a smile.
"Can I stay for a bit?" tanong ni Larkin nang bababa na sana ako sa sasakyan niya.
I stopped. Tumingin ako sa kanya. "Sa bahay?" I clarified. He nodded his head. "Oo naman. Hali ka," sabi ko dito at bumaba na.
Pumunta ako sa side niya at hinintay ko siyang patayin ang sasakyan. Lumabas ito at sunod na binulsa ang susi ng kotse niya. Sabay kaming pumasok sa bahay at pina-upo ko siya sa sofa.
"Dito ka lang muna? Aayusin ko pa kasi ang bag na dadalhin ko bukas," sambit ko.
He was studying the interior of our small house before he glanced at me. "Pwedeng sumama?" tanong nito.
Tumawa ako. "Oo, tara," sabi ko at tumango-tango.
Hinatak ko siya patayo at sabay kaming pumunta sa maliit kong kwarto.
"Dito ka lang," sabi ko at nakaupo siya sa upuan na nasa maliit na study desk ko.
Maliit lang ang kwarto ko pero kasya naman kami at hindi nag siksikan.
Kinuha ko ang bag na nakapatong sa orocan ko at linagay iyon sa kama. Larkin turned the chair to face me.
Pinagmasdan niya lang ako. Namula pa ang pisngi ko sa kahihiyan. Nahihiya akong makita ni Larkin ang damit panloob ko. Kaya mabilis ko itong sinilid sa isang maliit na bag para hiwalay sa mga damit ko.
"Done?" he asked me.
I nodded my head. Tiningnan ko siya at pinag-aralan ang mukha nito.
Hindi sila parating nagpa-practice ngayon. Kaya medyo pumuti na ito, bumalik 'yung kulay niya noong unang pagkikita naming dalawa.
Linagay ko ang bag sa malayong parte ng kama ko. Tumayo si Larkin at umupo sa tabi ko.
Tumingin naman ako sa kanya dahil ang bilis nitong lumipat.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomanceGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...