Kabanata 5
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod sa mga pinaggagawa ko kahapon. Pakiramdam ko ay nasa swimming pool pa rin ako at parang lumulutang sa tubig.
Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nakaalis na si Mama. Late na ako nagising dahil na rin sa sobrang pagkapagod kaya hindi ko man lang siya naabutan.
Nanghimalos muna ako bago tignan ang nakahain sa mesa. Kinuha ko ang nakatakip na panangga namin mula sa mga pusang napadpad sa amin at nakitang manok iyon. Nabili siguro ni Mama iyon sa gitna ng Purok Rita kanina.
Mabilis lamang ako sa pagkain at naligo agad. Nagbihis na rin ng damit na pang-alis. Tiningnan ko ang ipon ko at nang mabilang iyon ay umalis na ako.
Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa highway. Pagkarating ko sa highway, agad akong pumara ng jeep.
Pupunta akong SM Bacolod ngayon. Magtitingin at para makapasya na rin ako.
Matagal ang byahe patungo sa mall kaya pinagkakaabalahan ko na lang na tingnan ang mga bahay o maliit na gusali na nadadaanan ko. Dumiretso ako sa north wing ng mall at ang titingin sa mga shops doon.
Meron akong nakitang stall ng mga cellphone. Pumunta ako doon at tiningnan ang mga cellphone nito. Matagal bago ako nakabili ng cellphone na swak sa pera ko. 'Yon lang naman ang pinunta ko dito. Alam naman ni Mama na bibili ako ng cellphone mula sa perang pinag-ipunan ko pero hindi niya alam na ngayon ako bibili.
Matapos kong pumirma sa mga papel na pinapirmahan sa akin ng babae ay umalis na ako sa mall na bitbit ang plastic na merong laman na cellphone. Bago umuwi ay bumili muna ako ng pagkain.
Pagdating ko sa bahay ay excited kong binuksan ito. Sinet up ko muna 'yung phone at nilagay ang sim na binili ko din.
Merong free load kaya in-on ko ang data ko para mabuksan na ang already installed na facebook at ibang apps.
Agad na bumungad sa akin ang picture namin na Larkin kahapon. Nasa unahan talaga ito ng news feed ko. Sumobra ang dami ng likes at comments nito.
Hindi ko na binasa ang comments dahil halos lahat ng nandoon ay hindi ko kilala. Meron 'ding iilan na nag-add sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin.
Habang nagsco-scroll ako ay biglang tumunog ang phone ko kasunod ng pag pop ng isang chat head.
Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko naman kilala iyon at hindi ko natatandaan na merong group chat akong sinalihan na ganoon ang group photo.
Pero tiningnan ko pa din. Pagbukas ko ay iilang chat mula kina Nadia, Matthan, at Larkin ang nandoon.
'Yung group photo pala ay 'yung anim kami na merong background na sunset. Ngayon ko lang napansin.
[Nadia:]
@Larkin can you please tell Astro to open his phone?
[Larkin:]
I already told him, boss.
[Matthan:]
Ginawa kang maid @Larkin?
[Larkin:]
Nah, it's okay. She's doing something nice to me so I can't oppose what she wants.
[Nadia:]
Oh, @Alina is online. She saw our messages!
Walang reply pagkatapos ng chat ni Nadia. Sineen lamang nina Larkin at Matthan iyon.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomanceGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...