Kabanata 13
Excuse kaming Grade 11 and 12 ngayong Friday. Pero kailangan naming pumunta sa TUPV campus para i-cheer doon ang mga schoolmates namin na manlalaro.
Marami ang hindi pumunta. Pero marami pa rin ang dumalo. Ang iba ay marami pang pakulo. Banners. Pom poms na gawa sa metallic paper na kulay blue and red. Matching color na headband. And balloons. Kasama ko sina Nadia at Astro. Nasa pinakaunang bench kami kung nasaan banda ang lugar nina Larkin. Meron din akong dala na extra face towel and mineral bottle para kay Larkin at gusto ko itong ibigay sa kanya kapag tapos na sila sa laro.
Hindi pa lumalabas ang mga players pero maingay na sa buong gym. Nasa kabilang panig naman ang mga students ng TUPV. Doon din sa parte nila uupo mamaya ang players nila.
"May ipapabili ka ba? Lalabas si Astro," Nadia said while I'm busy looking around.
I glanced at my right kung nasaan si Nadia. Katabi nito si Astro at nakatingin na rin sa akin.
Umiling ako. "Wala," sabi ko at binalik ulit ang tingin sa kabilang side ng gym.
Nakita ko sa gilid ko na tumayo si Astro. Merong pinapabili siguro si Nadia.
"Kayo na ba ni Larkin?" Nadia asked me out of nowhere.
Bumaling ako sa kanya. Nagulat dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya.
"Saan mo naman nakuha iyan?"
"Hindi ka na kasi nakiki-chismis sa akin. And I noticed that you and Larkin are close to each other. So, I just conclude that maybe you two are already a thing," sambit nito. She flipped her curls to the back.
Tumagal kami sa kakahintay kanina sa kanya. Sinabay ako ni Astro papunta kina Nadia. Kalahating oras din ang hinintay namin dahil ayaw niyang umalis ng bahay na hindi maayos ng mabuti ang buhok nito.
"Hindi pa," sabi ko na lang.
Her eyes grew wide along with her mouth that literally formed into an 'O'. She covered her mouth. Hindi ito makasalita ng ilang segundo. Kaya hinampas ako nito ng paulit-ulit sa braso pero mahina lang.
"But there's a big chance right?" she clarified.
I beamed. Hindi ko siya sinagot. Pero mukhang nakuha niya ang pinaparating ko kaya nanlaki ulit ang mata nito at tinabuan nito ang bibig niya. She squealed while her hand is still covering her mouth.
"Magkakaroon ka na ng boyfriend!" masayang sambit nito.
Napa-iling na lang ako. Ang saya-saya ni Nadia. Kahit na noong dumating si Astro ay nakakunot ang noo nito nang makita na ang laki ng ngiti ni Nadia. Bumaling ito sa akin na merong nagtatanong na mukha. Bitbit nito ang isang plastic na merong laman ng pinapabili ni Nadia. I shrugged my shoulders to Astro then face the other side of the court.
"Ayan na. Magsisimula na!"
Naging sobrang likot si Nadia. Hindi ito mapakali sa upuan nito.
"Let's welcome the CHMSC Wildcats!" sigaw ng master of ceremonies.
Agad na nag sitayuan ang mga nasa gilid at likod namin. Sumabay din kami at gumawa ng ingay. Si Nadia ay may hawak na kulay blue na balloon. Hindi ko alam kung saan niya ito nakikita pero winawagayway niya ito habang lumalabas ang mga players namin sa isang bahagi ng gym.
I saw him. Sa gitna ng gym. Sa dami ng players na nandoon. Nakit ko siya. His hair is a mess. Nakasuot siya ng jersey uniform nila na kulay blue at red, meron 'ding logo ng school namin sa likod, logo ng team sa harap at logo na maliit sa jersey shorts nila.
Matapos ipakilala ang coach nila ay pumunta na silang lahat sa side namin. Nandito kasi ang bench nila. Dito talaga ako hinila ni Nadia para agad namin silang makita. Then, the emcee introduced the other team. Pero wala doon ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomanceGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...