Kabanata 6

437 9 0
                                    

Kabanata 6

Miyerkules ng tanghali. Kumakain kami nina Astro at Nadia sa room. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula noong lumipat si Larkin ng upuan. Hindi niya ako kinakausap. Tanging ang tatlo lang ang kinakausap nito 'pag may tanong siya o sila sa kanya.

"Hindi kayo magbabati?" Nadia asked me while still munching on her food.

Umiling ako. Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ako sanay na ganito kami pero parang ayaw niyang lapitan siya kaya hindi na ako nagtatangka pang mag-explain sa kanya.

"Okay naman siya noong pag-explain ko sa kanya. Pero hindi ko ine-expect na hindi ka niya kakausapin at lumipat pa talaga siya ng upuan. Malalaman ko lang na nililigawan niya pala talaga si Mica."

"It's his ego. Just let him be that way for now. Hindi naman siya tatagal ng ganyan," si Astro na minsan lang magsalita.

Pagkatapos kumain ay nagsibalikan na kami sa upuan namin. Ilang minuto ang nagdaan at pumasok na 'yung teacher namin pero merong sumunod sa kanya na naka-jersey uniform.

They're our basketball team. Nagpakilala sila isa-isa at sinabi na rin nila ang dahilan ng pinunta nila dito. They are recruiting new members for the team kasi ang alam ko, maraming magagaling sa seniors. E malapit na silang ga-graduate kaya kailangan siguro nila na humanap ngayon.

"Bagay kaya kapag sumali ako doon?"

Napatingin ako sa katabi ko. Si Cedric naka-tingin sa harapan at nakapangalumbaba habang nagsasalita ang team captain ng basketball team.

"Akala ko bakla ka?" tanong ko rito kasi kung makasagap ng tsismis nauuna pa siya sa mga babae.

Seryoso siyang bumaling sa akin. "At sinong nagsabi sa iyo na bakla ako?" tanong nito, walang ka ngiti-ngiti.

"Ah wala. Narinig ko lang doon sa labas ng dumaan ako," sabi ko sa kanya at kinaway-kaway ang parehong kamay.

"Makikita lang nang nagsabi niyan," aniya at tumingin ulit sa harapan.

Nagbibigay na ng forms ang ibang members sa mga lalaki naming kaklase. Nakita kong nag fill-up si Cedric na sasali ito sa tryouts.

Lumingon naman ako sa likod. Si Matthan lang ang sumusulat sa form si Astro naman ay hindi.

"Hindi ka sasali?" tanong ko sa kanya.

Umiling ito kaya tumango na lang ako.

"CAT 'yung gusto niyang salihan," sabi ni Nadia. Bumaling ako sa kanya at nakatingin ito kay Astro. Nakanguso.

Hindi ko na lang pinansin si Nadia. Matapos makuha ng members ng basketball team ang form ay nagpaalam na sila sa amin at umalis. Ipinagpatuloy naman ng guro namin ang naudlot na klase nito.

Nagpaalam ako ng hapon na iyon kina Nadia at Astro at unang bumaba. Pero papalabas pa lamang ako ng room ay meron akong nakitang naglalampungan sa kilid ng hallway. 'Yung babae lang pala ang todo lapit ng katawan nito sa lalaki. Samantalang ang lalaki naman ay nakatingin lang sa akin ng seryoso.

Pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad at hindi sila pinansin. Sumakay na ako ng tricycle paglabas ng gate at agad umuwi.

"Anong sagot sa number five?" bulong ni Cedric sa akin.

Sumilip ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. Malayo na nga siya sa akin pero bumulong pa talaga.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pag-solve. Pero maya-maya ay sinipa nito ang upuan ko na may kasamang sitsit pa.

"183," mahina kong sabi.

Makakatikim na talaga ito sa akin si Cedric mamaya. Sa lahat ng quizzes at summative tests namin ay parati itong humihingi ng answers sa akin sa kalagitnaan ng exam! Mabuti at hindi kami nahuhuli. Ewan ko na lang talaga sa isang 'to.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon