Kabanata 26
"Pa-pasensya na," sabi ko at agad binigay sa kanya ang napulot na mga papel.
Tinakbo ko ang maliit na hallway upang makalabas.
"Alina!" sigaw nito sa pangalan ko.
Hindi ako lumingon, ipinagpatuloy ko lang ang pagtakbo hanggang makarating sa lamesa namin.
"Oh, ba't ka hinihingal?" tanong ni Linus, pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "At ang putla ng mukha mo. May nakaaway ka ba sa CR?"
Umiling ako. "Uwi na tayo," sabi ko dito.
Kahit naguguluhan ay inayos nito ang gamit ng dalawang lasing na nasa itaas ng mesa nagkalat.
"Ikaw kay Nadia, at ako kay Bekah," sabi ni Linus. "Mauna ka na, susundan ko kayo," ani nito.
Tinapik ko ang mukha ni Nadia.
"Hmm," mahinang ungol nito. Inaantok na mga mata at tumama sa akin.
Inangat ni Nadia ang kamay at pilit na inabot ang mukha ko. Linapit ko naman ang mukha ko at pinahawak sa kamay nito.
Hinimas nito ang mukha ko kaya agad akong lumayo.
"Ba't ka lumayo?" tanong nito.
Akala ko hindi siya lasing kasi nakapag sabi pa ito hindi sinisinok.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"Astro, ba't ka lumalayo sa akin?"
Natigilan ako. Ganitong mukha, pinagkamalan niyang si Astro? Wala na, lasing na 'to.
Pinatayo ko siya mula sa pagkaka-upo. Inangat ang braso at pinalibot sa aking likod ng leeg.
"Uy, lumakad ka ng maayos!" sita ko dito nang bigla siyang bumigat at sumuray-suray ito kaya napapasunod ako sa kanya.
"Astro," mahinang sabi nito. Paulit-ulit hanggang sa maipasok ko na ito sasakyan.
Binuksan ni Linus ang front seat at pinapasok doon si Bekah. Nag-unat muna ako bago makapasok. Lintek na Nadia! Dinaganan talaga ako habang naglalakad kami.
"Tara na," sambit ko kay Linus.
Tumango ito at sabay kaming pumasok.
Nang makarating sa bahay ay nauna muna akong bumaba para pagsabihan si Ma'am Esther na buksan na ang pintuan
Agad naming pinasok ang dalawang lasing at natatawa sa kanila si Ma'am.
"Malapit na kayong magkaroon ng trabaho pero lasenggera niyo pa rin," sabi nito habang papunta sa kusina.
Nakarinig ako ng huni ng palanggana marahil ay hinahanda ang maligamgam na tubig.
"Mabait po ako kung ikukumpara sa dalawa," puri ko sa sarili ko.
"Ako rin, Ma'am," si Linus.
Tumawa at umiling ang matandang nasa kusina.
Inayos ko ang higa ng dalawa sa sofa. Dumating si Ma'am Esther na may dalang palanggana at dalawang bimpo.
Binigay nito sa akin ang isa. "Punasan mo si Nadia," utos nito. "Linisin natin ang katawan nila para hindi sila mainitan mamaya," ani nito, pinunasan ang madungis na mukha ni Bekah.
Tumigil ito sa kakapunas, nagpatuloy ako. Umangat ang tingin ni Ma'am at tiningnan si Linus. "Dito ka na matulog," ani ni Ma'am.
Hindi tumanggi si Linus at tumango.
"Doon ka sa kwarto ni Alina. Sa sahig ka, si Alina sa kama."
"Opo, Ma'am," sabi ni at nag-salute.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomantizmGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...