Kabanata 33
"Wala ka na bang gustong kainin?"
Maka-ilang ulit na ito natanong ni Larkin sa akin. Umiling agad ako.
Ayaw ko nang kumain. Busog na 'ko. Nahihirapan akong huminga nito mamaya 'pag kakain pa ako at hapit na hapit pa naman ang suot ko na damit.
"Let's have some walk outside?" Larkin suggested.
I instantly agreed. I need to walk! Kailangan kong maglakad-lakad para matunaw agad ang kinain ko!
Tumayo si Larkin at hinatak nito ang upuan ko. Nang meron ng space para makatayo ay dahan-dahan akong tumayo. Hinawakan ni Larkin ang siko ko at pumunta agad iyong hawak nito sa baywang ng nagsimula kami sa paglalakad.
Lumabas kami sa entrance ng bahay nila at lumibot sa likod.
Nakaakbay lang si Larkin sa akin pero hindi mabigat ang kamay nito sa balikat ko.
Nang makarating sa likod nila ay mas lalo akong namangha. Meron malaking space bago ang bakuran nila at iilang bahay na katabi ng kina Larkin.
Merong mga upuan at mesa ang nandoon. Merong puno at ang puno sy umiilaw ng dahil sa christmas lights at parol na nakasabit dito.
Katulad din nito ang sa likod ng mansion nila sa Negros! Minus lang 'yung umiilaw na puno at parol, at meron lang malawak na lupain kang tanaw.
Hindi kami umupo sa mga upuan. Niyakap lang ako ni Larkin. Nasa likod ko ito at nakadantay ang ulo ko sa likod niya. Ang kamay ni Larkin ay nakahawak sa naka-cross kong kamay sa bandang tiyan ko.
Larkin let go of my hand. He slowly traced my skin, from the middle of my breast up to the necklace that I wore.
Napasinghap naman ako sa sensasyong binibigay ng kamay nito sa katawan ko. I instantly feel hot!
"You still have this," sambit nito. Tinutukoy nito ang kwintas na binigay sa akin noong sinagot ko ito. "And this," dugtong nito, marahan niyang hinawakan ang palapulsuhan ko kung nasaan ang bracelet.
Hinubad ko kasi ang dalawang gamit na binigay nito noong nag-break kami. Ayaw kong makikita ito sa araw-araw dahil naalala ko lang lalo si Larkin.
"It's hard to throw away things that have sentimental value," sabi ko dito.
He kissed the side of my neck.
"I love you, Alina."
"Mahal din kita, Larkin."
Tumahimik kaming dalawa. Sinasayaw ni Larkin ang katawan ko base sa tono ng kanta na nagmumula sa loob ng bahay nila.
Umalis ako sa pagkakayakap kay Larkin at umikot. Nginitian ko siya at tiningnan sa mata. Tumingkayad ako at inabot ng labi ang labi nito. We shared a long steamy kiss.
Hapo-hapo kaming tumingin sa isa't isa at tumawa ng mahina. Umupo na kami sa upuan. Bigla akong nauuhaw.
"Dito ka lang. Inom lang ako ng tubig," sabi ko kay Larkin.
Umiling ito at naunang tumayo sa akin. "Dito ka lang. Ako na ang kukuha ng tubig mo," saad nito at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.
Ngumisi ito. Napailing na lang ako at natatawa ng mahina.
Tumingala ako sa kalangitan. Ang daming bituin ngayon! Natatawa akong sumulat ng kung ano-ano gamit ang mga bituin kinokonekta. Naghahanap din ako ng ibang signs para sa kung saan-saan.
Nakataas ang kaliwang kamay ko at tinuturo ang bawat bituin. Kasama ng bituin sa pagningnig ng singsing na nasa ring finger ko. Binaba ko ang kamay at merong ngiting pinagmasdan ang singsing.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomanceGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...