Wakas

977 22 0
                                    

Thank you for reading Larkin up to this point! Your Astro boy and Matthan are coming soon!

Love you,

Ryn

Wakas

"She got some nerve to show up in class kahit na kalat na sa buong campus ang ginawa nito!" nanggagalaiting sabi ni Matthan.

We were riding his car back to the house. He's the one who's driving. I'm sitting on the front seat at sa likod ang tahimik na si Astro.

We are around Quintin Salas because of traffic when I got a call from Mama La.

Napansin ng dalawa na tumahimik at mukhang tensionado ako.

"What's wrong?" si Astro pagkababa ko ng tawag.

"Gusto ni Lola La na pumunta tayo sa Negros," sabi ko.

"Shit!" mura ni Matthan.

"Let's go," bumaling ako kay Astro dahil sa sinabi nito. Si Matthan naman ay napatingin kay Astro mula sa rear-view mirror nito.

"Are you taking drugs, bro?" si Matthan.

Hindi ito pinansin ni Astro.

"Say 'yes' to her," utos ni Astro sa akin.

"Bro, I have a girlfriend here, I don't want to leave her," reklamo ni Matthan.

"It's just your flavor of the month, Matthan. Sabihin mo kay Mama La na pupunta tayong tatlo doon after summer," si Astro ulit.

"Sabihin mo lang na gusto mong makita ulit ang anak ng mga Ricote!" si Matthan.

Sinamaan ito ng tingin ni Astro. Parati naman kasi kaming pumupunta sa Negros. Tuwing summer o kung merong okasyon.

Kaming tatlo ang paboritong apo ni Mama La kaya parati kami nitong pinapapunta doon. Kahit na walang gaanong gawing paglibangan doon ay hindi kami nagreklamo.

Nauna sina Matthan at Astro sa pagmamaneho. I bet they arrived already at the mansion. Nahihirapan kasi ako sa lubak na daan dito sa amin.

Yes, Negros is peaceful. Malayo sa polusyon ang mansyon ni Mama La. Nasa kahuli-hulihang bahagi pa nga ito. Pero isa sa mga problema sa mga malalayong lugar ay ang daanan. Lubak lubak.

Bumusina ako sa isang babae na nakaputi na naglalakad sa gilid ng daan. Gumilid din ito kaya ipinagpatuloy ko ang pag-drive.

Hindi ko nakita na merong malalim na buho at merong lamang putik kaya ayon natalsikan ang babae.

Dali-dali naman akong bumaba sa sasakyan. Napatigil ako. I know her! Isa ito sa mga kalaro ko dati. Tuwing summer, sa gitna ng tubuhan nakikita ko ito naglalaro mag-isa kaya sinasamahan ko.

Maliwanag ang araw na tumama sa mata ko kaya tinabunan ko ang itaas na noo gamit ang kamay. Lumapit ako sa kanya at agad na nakita ang naging polka dots na putik sa kanyang damit.

"Miss, I'm sorry. Hindi ko sinasadya," paghingi ko ng pasensya.

Gusto kong sabihin ang pangalan nito pero hindi ko nagawa dahil nahihiya. Nagpresinta akong ihatid ito sa bahay nila. Sumakay ito sa kotse ko at ang cute nito habang hindi alam kung paano maglagay ng seatbelt. I just want to watch her na nahihirapan kasi ang cute nito pero hindi ko ginawa. Agad ko itong tinulungan dahil meron ng iilang tricycle ang bumubusina sa likod.

Hindi ko inakala na makilala ako nito kinabukasan. Pumasok kami dahil sa gusto ko. Nagulat ang dalawa dahil excited pa akong pumasok. Papalipasin pa sana nina Matthan at Astro ang isang linggo bago pumasok pero walang nagawa ng dahil sa akin.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon