Kabanata 22
Hindi ko matandaan kung sino ang kumuha sa akin sa likod ng art room.
Inuwi ako nito sa bahay pero dahil sa kakaiyak ko hindi ko man lang ito natingnan at napasalamatan dahil wala siyang ginawang masama sa akin.
Dinastansya ko ang sarili sa apat. Noong una, kinakausap pa ako nila. Pero tumatagal ay ako na mismo ang nagpaparamdam na ayaw ko silang kausapin.
Nadia attempted to talk to me pero iniwasan ko ito. Isang buwan na lamang at matatapos na ang school year.
Isang linggo matapos kaming mag-break ni Larkin ay nasa library lang ako. Marami akong kailangan habulin na lessons kaya doon ko binuhos ang oras ko.
Ngunit hindi ko rin nagawang alagaan ang sarili ko. Merong dark circles sa ilalim ng mata ko. Nangayayat din ako dahil minsan lang ako kumain kung nasaan masakit na ang tiyan ko.
Hindi ko alam bakit ako nag gaganito. Ang hinihingi ko ay oras, para man lang matanto at maisip ng malalim ang nangyari pero hindi ko rin nagawa.
Sumasagap lang ako ng balita mula sa malakas magkuwento kong kaklase tungkol kay Larkin. Meron na namang game na papalapit si Larkin. Kaya minsan na lang itong pumasok sa klase dahil puspusan ang ensayo nila sa covered court.
Si Astro naman ay nagsisimula na sa training nito sa CAT. Minsan ko na lang din ito makita. Si Nadia ay parang ginagampanan ang pagiging girlfriend nito kay Astro.
Si Matthan, merong pinagkakaabalahan na babae sa kabilang section. Minsan ko nga itong makikita sa library na bumisita. Nakikita naman niya ako at tanging tango lang ang naging pag-uusap namin.
Natapos ko nang kunin ang special exams na binigay sa akin ng mga guro ko dahil sa halos isang buwan na pag-absent.
At ngayon, minamadali na naman ang ilang lessons namin dahil may hinahabol na ilang topics ang mga teacher namin para makapasok sa periodical.
Wala akong katabi kaya hindi limitado ang galaw ko. Pag nandyan kasi si Larkin parang estatwa lang ako at kalkulado lahat ang mga galaw.
Tiningnan ko ng masama ang pisara. General Mathematics ang subject namin ngayon. Pahirap nang pahirap. Walang tulong ang calculator ko dahil para lang ito sa mga basic na equations, hindi katulad sa iba kong kaklase na isang lagay mo lang, e, meron ka ng sagot.
"Hindi mo makuha?" bahagya akong napalukso mula sa upuan at napahawak sa dibdib dahil sa gulat.
Tumingin ako sa upuan ni Larkin. Nakaupo na doon ngayon si Cedric at natatawa sa reaksyon ko.
"Hindi. Bakit, alam mo ba?" nairita kong tanong sa kanya.
"E, pareho lang tayo na hindi rin alam kung paano i-solve 'yang nasa whiteboard. Umalis lang ako para hindi makita ni Ma'am. Alam mo naman, danger zone 'yung line namin," anito.
Natawa ako kaya mabilis kong tinakpan ang bibig. Baka mahuli ako ni Ma'am na tumawa at ako ang makitang sasagot sa board.
"Bumalik ka na ro'n. Mas lalo akong walang malalaman nito kasi aabalahin mo lang ako sa mga tsismis mo," pagtaboy ko rito.
"Grabe naman ito. Pero speaking of tsismis, 'yang ex ng boyfriend mo at si Larkin mukhang nagkakamabutihan. Nakikita ko sila parati sa covered court. At kapansin-pansin din na parang hindi kayo nagkikibuang apat, what's the tea sis?" tanong nito.
Parang nabuhusan ng mainit na tubig ang mukha ko. Nawala ang ngiti ko at nakita iyon ni Cedric.
Napalunok ito at inayos ang notebook na dala. "Ay namali pala ako ng pag tsismisan," sambit nito at mabilis na lumipat sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomanceGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...