Kabanata 9

400 5 0
                                    

Kabanata 9

Ang tulin ng mga araw na nagdaan. Parang kahapon lang nanligaw si Larkin sa akin. Hindi ko pa naman siya sinagot pero ang dami ng masayang nangyari sa amin. Hindi ko akalain na ganito pala kasaya kapag kapiling siya.

"Alina! Natulala ka na r'yan," sabi ni Larkin.

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin at hindi ko kayang hindi masabi sa utak ko na ang guwapo niya pag ngumingiti. Mas nadagdagan pag lumalabas ang ngipin nito at hindi ko kayang hindi matulala sa kanya. I smiled at him and he pinched my cheeks lightly.

Matagal nang nanliligaw si Larkin sa akin pero hindi pa. Hindi ko pa nararamdaman ang udyok na sasagutin ito. Kung noon ay walang chance na sasagutin ko siya. Ngayon naman ay malaki na ang pagkakataon nito na marinig ang 'oo' ko.

Hindi ko rin masasabi na kilalang-kilala ko na si Larkin. He's still showing different behaviors of him and different sides of his personality. Pero sa pangkalahatan ay wala naman akong problema. He respects me and my Mama which is indeed more important to me.

"Alina, you spaced out! Ikalawa na 'to," inis nitong sabi sa akin na may kasamang yugyog.

He messed up my hair with his hands. Then, he hugged me so tight. Narinig ko na nagpaparinig ang ibang kaklase ko pero hindi ko sila pinansin. Pinakawalan ako ni Larkin.

Ngumuso ako dahil ginulo naman ulit nito ang buhok ko na nakatali. Pinanggigilan talaga ako ni Larkin minsan ng yakap dahil hindi ko masagot ang tanong nito. It's either hindi ko narinig o binibiro ko lamang ito.

"Ayan, nagulo mo naman," I said, still pouting.

"Turn around. I'm gonna tie it," he said.

I frowned at him. "You know how to?"

He scratched the back of his head. Pag gumanon siya ay ang cute nito. Kaya hindi ko rin magawang humindi sa kanya.

"Uhm, a little. I know how to, but just the low version of it. Can't do the high ponytail kind of thing," aniya.

Tumango ako at kinuha ang suklay sa bag. Tumalikod ako sa kanya at sinimulan na niyang suklayin ang buhok ko. Hinati rin niya ito sa gitna at sinuklay ulit ng mabuti. Naramdaman kong sinikop nito ang buhok sa isang kamay niya at tinali na ang pantaling binigay ko sa kanya kanina.

"There," sabi nito.

He did tie my hair, but it feels loose. Gusto ko naman kaya hindi ko na ito sinabi sa kanya.

"Thanks," I mumbled.

Tapos na ang klase namin at niyaya ako ni Larkin sa bahay nila. Um-oo naman ako at pinadalhan ng mensahe si Mama na gabi na ako makaka-uwi at kina Larkin ako.

"Anong gagawin natin sa inyo?" I asked him while he's driving.

Natuto na si Matthan na dalhin ang sasakyan nito. Meron na rin kasi siyang babae na hinahatid pauwi at nagiging busy na ito roon sa babae.

Mabilis na tumingin sa akin si Larkin at tumingin din agad sa daan. "Wala lang? Mag-iisip na lang tayo roon ng gagawin. Hindi na natin kasi magawang pumasyal nitong mga nakaraang araw dahil papalapit na ang exam natin at parati na kaming nagpa-practice," he said. Tama naman ang sinabi nito. Minsan na lang kami kung lumabas pero sumasama naman ako sa kanya kapag mayroon siyang practice. Minsan ako lang at minsan kasama sina Nadia kapag tinopak ito.

Paparating na ang periodical exam namin kaya doon nagsisilabasan ang mga outputs at ibang uri ng exams na binibigay sa amin ng teachers namin. Na dapat sana review na lang namin ngayon pero hindi pala dahil marami pa silang hinahabol.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon