Kabanata 18

335 6 0
                                    

Kabanata 18

Pagkatapos naming magkwentuhan sa Glory's Cafe ay pumunta kami sa Festive Mall. Walang kung anumang atraksyon. Kaya napagdesisyunan namin na maglibot sa Festive Walk.

I can't help but to gasp in amazement because of the beautiful pastel colored building. Nasa gilid lamang ito ng mall at mayroong ilang cafe at restaurant na nakakalat.

We took pictures of General Martin Delgado's statue. Pumasok kami sa Museum of Contemporary Art at nagtagal doon. Nagpa-picture si Nadia at Astro sa mga naging watawat ng Pilipinas. Ginamit nilang taga kuha si Matthan. Wala namang itong reklamo at sinusunod pa rin ang utos.

Sumalungat ako sa kung nasaan ang tatlo. Naka sunod sa akin si Larkin at nagtitingin na rin sa ibang naka display.

Napatigil ako sa pagtingin sa ibang bagay ng maramdamang nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Mama.

Si Larkin na naka sunod sa akin ay dumukwang upang makita kung sino ang tumatawag sa akin. Tumango ito. Sinenyasan ko itong pupunta sa isang lugar para sagutin ang tawag.

He nodded his head. Pagdating ko sa isang gilid ay sinagot ko ang tawag ni Mama.

"Ma," bati ko dito, pero bumulong lang ako.

"Oh, bakit ka bumubulong?" she asked me. Tumaas pa ng bahagya ang boses nito.

"Ah," tumi-tingin ako sa paligid kung may tao. "Nasa isang museum po kasi kami. Bawal pong mag-ingay," sabi ko dito.

Hindi ito naka sagot kaagad at tangin hininga nito sobrang lalim ang naririnig ko.

"Ma?" pagtawag ko sa kanya. Baka wala na kasi ito sa kabilang linya.

She sighed, deeply then said. "Nandito pa ako," anito na mukhang hirap sa paghinga.

"Nasa bahay na po ba kayo?"

"Hindi pa. Nasa mga Ricote pa rin ako. Break time ko kaya tumawag ako upang kamustahin ka," anito.

Tumango ako kahit hindi niya kita. Hindi mawawala sa akin ang narinig kanina. Bumuntong hininga ako.

"Magtatrabaho po ba kayo bukas?"

"Oo naman. Bakit?"

"Huwag na lang po muna kayo magtrabaho. Magpahinga na lang po muna kayo sa bahay," sambit ko dito.

"Ano ka ba, Alina. Kaya 'to ni Mama. Ako pa ba," anito, at sinadyang palakasin ang boses na animo ay malakas talaga ito.

"Ma naman!" medyo tumaas ang boses ko at naluluha ang mga mata ko.

Napansin ni Larkin na parang balisa ako kaya lumapit ito. Ilang lakad pa lang ang ginagawa niya ay sinenyasan ko itong tumigil.

Nagsalita si Mama. "Ibaba ko na itong tawag. Tumawag lang naman ako upang kamustahin ka diyan. Mag-enjoy ka ah. Pakita mo sa akin mga litrato na nakuha mo sa pag-uwi niyo," saad nito, at hindi na hinintay ang tugon ko at siya na ang pumatay ng tawag.

I put the phone inside my pocket and heaved a deep sigh. Hindi ko napansin na nakalapit na si Larkin sa akin. He gently caress my back. Tumingala ako upang matingnan siya.

He's smiling like he wanted to say that everything will be alright. Tanging pilit at maliit na ngiti lamang ang binigay ko ito.

"Banyo lang ako," sabi ko dito.

Hindi ko na ito hinintay na sumagot si Larkin at pumunta agad sa banyo.

I looked at my reflection in the mirror. My round, small face was illuminated by the light from the comfort room. Kaya imbes na ang medyo kulay kayumanggi kong balat ay naging maputi ito. Sinikop ko ang mahaba kong buhok na napunta sa harapan ko at linagay ito lahat sa likod.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon