Kabanata 3
Nakarating kami sa bahay at meron na namang nakatambay sa dalawang puno. Kami nga lang ang nakatira dito pero meron talagang naliligaw at napapatambay saharap ng dalawang puno.
"Salamat, Larkin," sabi ko rito at bumaba na.
Hindi na ito bumaba pa sa sasakyan niya. Noong pumunta ako sa part ng driver's seat ay binaba naman nito ang windshield.
"Paalam," sabi ko rito. Kinaway ang kanang kamay bilang pamamaalam. Tumingin ako kay Matthan na nakatayo sa likod ng sasakyan. Lumipat ito sa front seat. "Paalam din sa'yo, Matthan. Mag-ingat kayong dalawa," sabi ko sa kanila at tumalikod na.
Pumasok ako sa bahay. Pagpasok ko ay narinig ko ang tunog ng sasakyan nila na paunti-unting humihina. Linagay ko ang bag sa loob ng kwarto at nagsaing para ngayong gabi.
"Kumusta? Anong nangyari sa inyo kahapon?" tanong ko kay Nadia nang dumating na ito sa room namin kinabukasan.
Kumunot ang noo nito. "Paano mo nalaman?" namula rin ang pisngi nito at umiwas ng tingin.
"Tinanong ko si Larkin. Parang ayaw mo kasing i-tsismis sa akin 'yang love life mo e," sabi ko sa kanya.
"Gaga, ikukuwento ko naman. Pero alam mo 'yun, naghahanap pa ako ng tamang oras at timing. At hindi pa sigurado 'yung kahapon e. Akala ko magtatagal pa ang pagsusuyo ko sa taong bato na 'yon, pero hindi pala," sabi nito.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok ang tatlong Lacson sa room kasunod ang teacher namin.
"Ikukuwento ko sa'yo mamayang lunch," sabi nito sa akin at bumalik sa upuan niya.
Lunch came. Hindi kami sa room kumain ni Nadia para maayos niyang makuwento ang kanyang love life sa akin. We opted to eat in the cafeteria. Mabuti na lamang at nakakuha pa kami ng bakanteng mesa.
While the other students are busy with their own life chit-chatting with their friends, crushes, or boyfriends and girlfriends, we still continue our chika. Ayon kilig na kilig si Nadia habang kinukuwento ang nangyari. Kaya dinadalian na umuwi agad kahapon dahil magkikita pala sila ni Astro sa bahay nila.
Bumalik kami sa room nang matapos ni Nadia ang pakikipagkuwento. Hindi rin kami naabutan ng time.
"Where did you go?" tanong ni Larkin pagka-upo ko.
"At bakit?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Kanina pa kasi si Astro hindi mapakali," sabi nito ng seryoso.
"Ahh," tumango naman ako at tumingin kay Astro.
Naka-upo ito ngayon sa upuan niya at kahit anong sign ng hindi mapakali ay hindi ko makita sa mukha nito o sa aksyon ng katawan niya.
"Nagkuwentuhan lang kami ni Nadia tungkol sa nangyari kahapon. Nahihiya kasi siya pag dito magsabi," sabi ko.
"E, saan kayo kumain?" tanong ulit nito.
"Doon sa cafeteria. Doon din kami nagkuwentuhan. Bakit? Gusto mo bang sumama next time?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman ito at natawa. "Nah, I am always the first one to know what's going on with that two," he said and shrugged his shoulders. He did boast that one, huh.
"Edi ikaw na," I said. Napalabi rin ako pero agad na nag-ayos ng upo nang nagsimula na ang teacher na magsulat sa board.
Sa first subject ng hapon na iyon ay pina-group kami by two. I looked at Nadia and I slumped my back when I saw in her eyes that she already has her partner. Tiningnan ko ang iba kong kaklase at nagbabaka sakaling meron pang walang partner. Pero halos lahat meron na. Sasabihan ko na lang mamaya ang teacher namin.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomanceGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...