Kabanata 7

478 11 0
                                    

Kabanata 7

Umalis ako sa kusina. Nagpaalam muna ako kay Nadia. Tumango siya sa akin pero merong tanong sa mga mata nito. Hindi na niyang nagawa ng itanong dahil pumasok na si Astro.

Tinanguan ako ni Astro na nakasuot na ng isang simpleng white shirt at black jersey short. Binigyan ko naman siya ng isang tipid na ngiti at tuluyan nang lumabas ng kusina.

Muntik pa akong mabangga ng isang babae na gulo ang gulo buhok, may hawak itong cup at parang baliw na sumasayaw. Marahil ay napadami na ang inom nito o feel lang talaga nito ang kanta. Umiwas ako sa kanya at nabangga nito ang lalaki na nasa likod ko na nakikipag-usap sa isang lalaki rin.

Umalis na ako doon at ginala ang buong sala. Tinitingnan ko kung nandito ba ang hinahanap ko. Pero ilang ikot na ang nagawa ko wala pa rin. Pilit naman ako ng iba na sumali sa laro nila na pingpong. Meron ding nagtatanong sa akin kung gusto ko ba maglaro ng billiard sa isang kwarto. Tinanggihan ko ang lahat ng alok nila at nagpatuloy sa paghahanap.

I heave a deep sigh. He's not here.

Huling libot ko ng mata sa paligid ay nakita ko si Matthan. May hawak ito na babasaging baso. Nasa hagdan siya, specifically, sa mataas at sobrang laking bintana na nasa gilid ng hagdan. Nag-iisa at parang nakikiramdam lang. Lumapit ako sa kanya at agad naman ako nito nakita.

Binigyan niya ako ng isang malaking ngiti at tinaas ang baso nito. "Have fun!" sigaw nito.

Umiling ako. "Hinahanap ko si Larkin! Nakita mo ba siya?!" pasigaw na tanong ko. Nandito kasi ang speaker kaya hirap kaming magkarinigan.

"Larkin?" pagtatama nito.

Tumango ako.

"He's outside. Sa kanang bahagi ng main house!" sigaw nito sa akin.

Napangiti naman ako. "Thanks!"

Tinaas lang ulit nito ang baso at pumunta sa gitna ng sala at sumali sa mga sumasayaw.

Nahihirapan akong umalis sa sala dahil na rin sa dami ng tao. Sa gilid ako dumaan para hindi ako na stuck sa isang lugar. Pero doon pala ang maraming naglalampungan. Nag excuse na lang ako sa kanila at hiyang-hiya na umalis. Nang nasa pinto na ako ay huminga ako ng malalim. Tumingin ulit ako sa sala na puno ng tao at umiling.

Binuksan ko ang isa sa mga wooden door. Lumabas ako at doon ko lang naramdaman na sobrang pinagpawisan ako. Ang init sa loob! Pakiramdam ko nalipat sa akin ang pawis ng mga tao na nabangga ko kanina.

Naglakad pa rin ako kahit madilim ng kaunti. Merong ilaw pero hindi iyon sapat sa buong lugar. Pagdating ko sa main house ay tiningnan ko ang kanang bahagi nito. Merong swing akong nakita na gumagalaw. Tiningnan ko ng maigi at merong pula ang umiilaw sa bahagi na 'yon.

Sa harap ng swing meron ding bahay na sobrang ganda rin. Binalik ko ang tingin sa swing na gumagalaw. Pagtingin ko ulit doon ay nakakita ako ng pigura ng isang tao. Lumapit ako at nagbabaka sakaling si Larkin iyon.

At tama nga ako. Nagulat at napatigil ako sa paglalakad dahil nang medyo malapit na ako sa kanya doon ko lang napansin na naninigarilyo pala ito.

"So, you smoke, huh," sabi ko ng makalapit.

Gulat na bumaling ito sa akin at agad na hinagis sa damo ang sigarilyo nito. Tinapakan hanggang sa mawala na ang sindi nito.

Tumingin ito sa akin. "Alina?" tanong nito. Kumunot ang noo nito at parang tinitigan niya ako ng maigi. Naninigurado siguro kung ako nga ba ang nakikita niya.

"Yeah..." buntong hininga ko. Nalanghap ko pa ang amoy ng sigarilyo nito na napako sa paligid. "Why aren't you enjoying? Nakapasok ka 'di ba? So, I am expecting that you're going to play games, drink as many as you can, and enjoy your day with your teammates. Bakit ka nandito?" I asked him. He eyed me intently.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon