Kabanata 31
I felt sore. Hindi ako makagalaw sa kama. Naririnig ko ang pagkalansing ng mga plato, kutsara at ang tubig na nagmula sa gripo.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Linibot ko ang tingin sa buong lugar na hindi pamilyar sa akin.
Tumigil ang mata ko sa lalaking nakasuot ng boxer shorts na nasa kusina at parang naghuhugas.
Marahan kong inangat ang hindi masyadong magalaw na katawan. Agad na bumaba ang kumot na nakatakip sa akin at nakita kong nakasuot na ako ng polo.
"Larkin," paos na tawag ko sa kanya.
Agad na tumingin si Larkin sa akin. He smiled. He dried his hands using the towel before walking to my side.
"Hey," bati nito ng makalapit sa akin.
"Good morning," bati ko sa kanya.
"Magandang umaga."
"Nasaan pala ang damit ko?"
"Nasa washing machine sa banyo. It's saturday so ease your worry, wala kang class," sambit nito.
Oh, right! It's Saturday!
Tumango naman ako. "Can I go back to sleep?"
"Yes, of course. Gigisingin lang kita kapag nakapag luto na ako ng ulam," saad nito.
Tumango ako. Bago humiga ay binigyan ako ng halik ni Larkin sa noo at malalim na halik sa labi.
Inakay niya ako pahiga sa kama at inayos ang kumot na nasa paligid ko. Hindi nagtagal ay nakatulog din ako.
Nagising ako na masakit na ang tama ng araw sa balat ko. Inalis ko ang kumot sa katawan ko at umupo sa gilid ng kama. Hindi ko mapigilang ngumiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nangyari nga talaga. Akala ko panaginip lang. Linibot ko ang tingin sa buong condo ni Larkin. Kumunot ang noo ko ng hindi ko siya makita. Dahan-dahan akong tumayo at babagsak sana pero nakakapit ako agad sa mesa.
"Argh," ungol ko.
Kumapit ako sa lababo habang paunti-unti ang lakad papunta sa banyo.
Umupo ako sa toilet bowl. Tinaas ko lang ang polo na suot dahil wala naman akong suot na panty.
Umihi ako at ang hapdi pala! Napangiwi ako habang umiihi pa rin. Napawak ako ng mahigpit sa malaking timba na nasa gilid ko.
"Alina?!"
"I'm here!" sigaw ko.
Lumabas siguro si Larkin kaya hindi ko ito nakita kanina.
"Can I come?" kumatok muna ito bago nagtanong.
Tumango ako kahit hindi ako nito nakikita. "Yes."
Agad na napalitan ng ginhawa ang nangangambang mukha ni Larkin. Pero nakunot ang noo nito ag mukha kong nakangiwi.
Lumapit ito sa akin at lumuhod sa harap ko.
"Mahapdi?"
Tumango ako. Tumayo si Larkin at sinakop ang buhok ko. Wala itong imik at tinulungan akong tumayo. Siya ang nag flush ng toilet at inakay ako papunta sa mesa.
"Kumain na tayo," saad ni Larkin.
"Saan ka pala pumunta?" tanong ko sa kanya.
Gusto ko mang tulungan siya pero nahihirapan akong tumayo. Kumuha ito ng mga baso at plato sa lababo, at hinain ang kanin at ulam.
"Sa labas. Pumunta ako sa school ninyo, inutusan ko kasi ang ilang trabahador sa gagawin nila."
"You have work? Okay lang naman pag iwan mo ko dito," suhestyon ko.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomanceGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...