Kabanata 2

901 21 0
                                    

Kabanata 2

"Please get one fourth sheet of pad paper. We're gonna have our short quiz now," sabi ni Ma'am.

Ang dami na naman ang nagrereklamo. Na bakit daw merong quiz agad-agad. Merong nagwa-one minute check sa kanilang notes. Meron namang nagsisimula nang manghingi ng papel sa kaklase naming parang national bookstore.

"Astro, papel?" narinig kong sabi ng katabi ko.

Tinignan ko naman siya. Nakalingon na ito sa likod namin. Tinignan siya ng lalaki na tinawag niyang Astro. Siya pala si Astro, mahahalatang seryoso ito at parang merong bayad kapag magsasalita.

Tanging iling lamang ang ginawang sagot nito kay Larkin. Then Larkin looked at Matthan.

"I don't have any. I don't even have any notebook in may bag, bro" anito kay Larkin.

Bumalik ako ng tingin sa desk ko. Tiningnan ang ilang pirasong papel. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kumuha ng tatlo doon at binigay ang isa sa katabi ko at ang dalawa ay sa dalawang itlog na nasa likod.

Gulat si Larkin na tumingin sa akin. The two boys at the back said their thank you to me but I didn't hear anything from Larkin.

Nasa kalagitnaan na kami ng quiz namin nang bigla itong nagsalita nang mahina. "Thank you, and the answer in number three is 29," anito.

Nagulat naman ako at tinignan ang papel ko. Wala nga akong answer sa number three. Wala sa sariling linagay ko ang sagot ni Larkin dito.

After the quiz, agad naming ch-in-eck ang papel para if meron pa kaming questions we can ask our teacher about it kasi nandito pa siya.

Pero ang kinagulat ko talaga ay pagbalik sa akin ng papel ko ay na-perfect ko 'yung quiz. If hindi ako nabigyan ni Larkin ng answer sa number three, siguradong hindi ko 'yon mape-perfect. Pero hindi ko nakitang nagsulat ng kahit na anong notes si Larkin kanina. Tanging tsismis lang ang ginawa nito kay Matthan na nasa likuran nito at kahit na ang taas-taas nilang dalawa, hindi pa rin sila nahuli.

Ang bilis ng oras at natapos na ang klase namin. Lunch came at agad na pumunta si Nadia sa akin. Himala at hindi siya nag-recess kanina kasama ang iba naming kaklase. Naka-upo lang ito buong umaga sa upuan at parang may iniisip na sobrang lalim.

"Alina, lunch tayo," sabi nito sa akin. Ang hina ng boses. Nahahalata na parang pinipigilan niya itong lumakas. Tumingin ito sa likod ko at binalik ang tingin sa akin.

"Uh, dito lang tayo kakain. Bibili lang muna ako ng pagkain sa baba, sama ka?" tanong nito.

Bago ako magsalita ay naunahan na ako. "Ako ang sasama sa'yo, Nari. Bibili rin ako ng pagkain ko," sabi ni Astro.

Nagulat ako. Nalilitong tumingin sa dalawa.

"Magkakilala kayo?" I asked them.

Hindi nila ako sinagot bagkus ay sabay na lumabas sa room namin. Akala ni Nadia hindi ko napansin ang pagkagulat sa mukha nito at ang bahagyang pagpula ng pisngi nang magpresinta si Astro kanina!

Tiningnan ko si Larkin at Matthan. Si Matthan ay busy sa cellphone nito at seryosong nakatingin sa screen. Si Larkin naman ay naka-upo lang sa upuan nito at nakayuko ang ulo.

Kinalabit ko siya sa kaliwang braso nito nang mahina. Umupo naman ito nang maayos at tumingin sa akin.

Ngumiti muna ito bago nagsalita. "Yes, Alina?" he asked.

Lumunok ako ng laway sa kahihiyan. Mukhang natutulog ang tao pero ginising ko lang.

"W-Wala, pasensya ka na. Naistorbo ko pa ang tulog mo," sabi ko at yumuko.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon