Kabanata 8
Kinabukasan pumasok na sina Matthan, Astro, at Nadia.
Tinanong pa kami nila kung bakit hindi raw kami umabsent kahapon kasi meron kaming nainom na alak. Isang tikim lang naman ang ginawa ko kahapon sa wine. Si Larkin naman ay hindi rin uminom ng madami. Tanging ininom lamang nito ay ang wine ko na inubos niya at lumabas na ng bahay.
"Gusto mong sumama mamaya?" tanong ni Larkin sa akin nang bumalik na ako sa upuan. Nagkwentuhan pa kasi kami ni Nadia.
"Saan?"
"Covered gym."
"Practice?"
"Yep," aniya.
"Sige. Pero mauna ka na doon susunod lang ako. Meron pa kasi kaming output na kailangang i-finalize," sabi ko sa kanya.
"Copy, boss," he said and jokingly saluted.
I just laughed at him and he also laughed at me.
Noong hapon na iyon ay nauna na si Larkin sa covered gym.
Dahil magka-group kami ni Nadia sa output namin ay inaya ko siyang pumunta sa gym
"Sige aayain ko rin si Astro," sabi nito sa akin.
Nag meeting na kami sa mga gagawin pa namin sa pag finalized at hinati-hati na ito sa kada myembro. Dapat bukas ay handa na ang part namin para makapass na rin kami ng paper agad bukas.
"Hali ka na, Nadia," aya ko sa kanya.
Sabay kaming bumaba sa building namin samantalang nakasunod sa likod namin si Astro at agad na tinungo ang covered gym. Habang lumalapit kami doon ay naririnig ko na ang huni ng bola na tumatama sa sahig ng gym at ang huni ng mga sapatos ng naglalaro.
Pagpasok namin sa gym ay napagpasyahan namin na sa pinakamataas na bleachers kami uupo. Linibot ko ang tingin ko sa mga naglalaro at nakita agad si Larkin. Bilang lang ang nandito at nanonood. Hindi pa naman kasi official game na kabilang school ang kalaban.
Pawis na pawis na si Larkin. Kahit nasa malayo ay nakikita ko na basa na ang buhok nito. Ang bagong members ng team ay mahahalata talaga dahil hindi nila suot ang jersey shirt and short ng school namin. Ibang jersey ang suot nila.
Hawak na ni Larkin ang bola at ipinasa niya ito kay Matthan. Ni-dribble naman ni Matthan iyon at tumakbo sa kabilang side. Pinalibutan naman siya ng dalawang seniors nila kaya pinasa niya ang bola kay Larkin na malapit sa ring. Pagkakuha ni Larkin ng bola ay hindi na ito nagpatumpik pa at ni-shoot na sa ring ang bola.
Nag palakpakan naman ang ibang kasama nila na nakaupo sa bleachers at nanonood. Kahit ako ay hindi ko mapigilang hindi pumalakpak sa tuwa.
"He's a natural player," ani ni Astro.
"Matagal na rin siyang naglalaro?" I asked him
"Yeah. Since Grade 7. Utak bata pero kinuha pa rin para makapag-practice, ang taas kasi at ang galing din sa laro. Larkin competed only in our school's department match, but regional, nah. Not until he's in Grade 9, that's the time the coach in our school at Iloilo started to let Larkin join the regional match. They always won because they have someone who is always determined with what he's doing," mahabang paliwanag ni Astro. Ito na siguro 'yung pinakamahaba na sinabi nito kaya nakakagulat talaga.
Nasa kanan ko si Nadia at nasa kanan din nito si Astro.
Si Nadia ay grabe sa pag-cheer kay Larkin at Matthan. Pero para bang doon na natapos ang laro dahil pumunta na sa side bleachers ang mga members na nasa gitna lamang ng court kanina at naglalaro.
BINABASA MO ANG
Wild Early Days (Lacson Series #1)
RomansGustong-gusto ni Alina na makaahon sa hirap. Naiwan na lamang sila ng nanay niya sa gitna ng lupain ng mga Lacson sa Negros. Maayos at tahimik ang buhay niya. May nagtangkang manligaw ngunit hindi niya iyon pinayagan dahil ayaw niyang umasa ito sa w...