Chapter 20

214 8 0
                                    

Bambam's POV

Pabalik na kami ng school nila kai at jisoo. Iisang kotse lang ang dala namin dahil na rin sa pag mamadali kanina.

"Jisoo. Kai" tawag ko dito.

"Bakit?"
"Hmm?" Sabay nilang sagot

"Kaibigan kayo pareho ni jennie diba?baka pwede nyo munang itago yung nangyari kay lisa?"

"Oo naman. Makakaasa ka" sagot dito ni jisoo and kai just nodded.

After minutes of driving naka balik na rin kami ng school at yun na nga kumaripas na kami ng takbo dahil na rin sa late na kami.

Wala kaming review pero mas okay na yun dahil wala rin namang pumapasok sa utak ko kahit na anong basahin ko.

"Prof, sorry im late" hingal na sabi ko dito.

"Why are you late?" Sagot naman ni prof.

"Uhm.. prof can we have a word first?" I asked him.

Lumabas ako at sumunod rin naman sya.

"What now?" He said sarcasticly.

"Prof. Lisa cant take the exam. She's in the hospital right now. She's ill kaya po late ako ngayon." Paghihina ng boses ko.

"What?Bakit?anong nangyare?" Seryosong pagtatanong ni prof.

"Hinimatay lang po sya bigla tas dinala nila agad sa ospital kaya po sumunod na kami" sunod sunod na sagot ko dito.

"Aishh. Okay okay.. bibigyan ko nalang ng special exam si lisa pag gumaling na sya and you. Start your exam now. Ih eextend ko na yung time mo." Sabi naman ni prof. nag bow na ko at pumasok para kumuha na ng exam.

Sht wala akong ballpen.

Napa facepalm ako when someone handed me a pen. And put it on my desk.

"Salama-" putol kong sabi dito ng makita ko ang mukha ng nagbigay nito.

Nag one sit apart kasi kami so girls boys na yung magkatabi and.

"irene?" pabulong ko dito

She just smiled at binalik nya rin yung mata nya sa test papers. I can tell. Maganda rin sya. May tinatago rin palang bait to. Lagi kasi akong sinusungitan nito sa cafeteria.

5 hrs later tapos na yung exam nag a announce nalang si prof ng upcoming field trip eh hindi naman ako nakikinig.

Teka nga. Bakit parang frustrated si jennie?

"Hey, what happened to jennie?" I asked irene.

"Hindi ko alam. Ilang araw na syang hindi kumakain at nagkukulong lang daw sa kwarto niya. Buti nga hinatid sya nung guy kanina. Ayaw pa nga daw pumasok si jennie kanina" pag sagot naman nito.

"Ganyan na ganyan din si lisa. Di ko nga inakalang aabot sa ospitalan e-" pagsagot ko ng mabigla ako. Tinakpan ko naman yung bibig ko.

"What?! Ano???ulitin mo nga sinabi mo? Tama ba narinig ko?" Gulat na sabi nito.

Aishhh bambam!! What have you done!!bibig mo talaga minsan kailangan nang lagyan ng zipper e!

"Wala wala. Wag mo ng isipin yun" pag sisinungaling ko.

"Narinig ko yun! Saang ospital?" Sabi naman nito na tinataas yung boses.

"Oo na oo naaa sasabihin ko na but please hinaan mo boses mo." Pagmamakaawa ko naman.

Tumango naman ito at sinabi ko na rin kung saang ospital ito.

"Please wag mong sabihin kahit kanino." Sabi ko dito at tumango naman ito.

I Will Be Here [JENLISA]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon