Shaui's Pov
"A-ano?" nauutal kong tanong sa kanya. Ano bang ginagawa nya sakin? Nagtatampo ako pero alam kong wala akong karapatan kahit pa sabihin kong 'fiancè' ko siya.
"Sinong kausap mo sa phone kanina?" His jaw moved aggressively. Shit, ang gwapo nya. Hayst.
"Bakit mo naman tinatanong?" tanong ko habang nakataas pa ang isang kilay.
"Bakit hindi?" tanong niya pabalik sa akin.
"Wag mong sagutin ang tanong ko ng tanong rin. Parang gago lang eh." inirapan ko sya at tumitig na lang ulit sa kisame.
"Wag mong ibahin ang usapan Anniexsha." Nararamdaman ko ang inis sa tono ng pananalita nya. Bakit? Bakit naiinis sya? Ano bang pakealam nya? Tsk. Wala din naman akong pakealam dahil alam kong simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko, crush ika nga.
"Huh?" painosenteng tanong ko pero may naiisip akong katarantaduhan.
"Sino yung kau-" pinutol ko ang sasabihin nya.
"Hakdog," tawa ako ng tawa dahil halatang inis na inis na sya sakin.
"Anniexsha Cxoiy." ay shit. Wag na natin siyang gaguhin. Nagagalit na siya. Pfft
"Hehe, si Szydle yun, yung kasama ko sa bar." Ang awkward shemalu splendid.
"Do you like him?" seryoso ang boses nya at parang kapag kinalabit mo siya ay masasapak ka na.
"Hindi 'no!" mabilis akong umiling. Grabe naman siya. Hindi naman ako basta-basta nagkakagusto ano?!
"Okay. Now sleep, baby"
Loading.....
Loading.....
Processing......
Eto nanaman ang pakilig niya, tangina. Shit huhu, hindi ako ready sa mga pakilig niyang ganiyan, eh.
"Heh!" at lalong naging kamatis ang aking mukha dahil naa-awkwardan na ko. Foot spa naman oh!
"Wag ka masyadong kiligin" Aba gago to ah? Pasalamat sya......
"Kapal natin, sir, ah?"
Nag-chuckle lang siya.
igop,
"Matulog ka na nga." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Ang puso ko shit. Hinay-hinay lang heart ko.
Parang wala lang sa kanya yun at tumalikod na sya samantalang ako ay pinoproseso pa sa utak ko ang ginawa nya. Shit. Okay, kalma.
Tiningnan ko ng orasan at maga-alas tres nang umaga. Pucha, bangag na naman this.
***
Maaga akong nagising dahil may pasok kami. 8:00 am ang pasok ko tapos 5:30 ako nagising. Antok na antok pa ako pero bumangonna ko dahil yari tayo kay lecturer.
Tiningnan ko ang katabi ko at tulog na tulog pa rin sya. Syempre alas tres na kami natulog, yan bangag.
Bumangon na ko at naghanap sa ref ng pwedeng almusal. Kumuha na lang ako ng bacon, hotdog, egg. Nag hanap ako ng tinapay tapos i totoast ko na lang.
YOU ARE READING
Maybe One Day
Подростковая литератураShaui was young, wild, and loud. It was her first day of school in college when he met a cold-hearted person. She developed a little crush on him. But when he stole her first kiss, she started to hate him. But it seems like fate was playing with the...