Chapter 24

5 2 0
                                    

Shaui's Pov


"Pasok kayo, mga apo."

Hinawakan ni Amber ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

Nagmano kami pareho ni Amber sa lolo at lola nya. Tumingin ako sa paligid. Maganda anag bahay nila. Malaki sya. Para ngang mansyon eh. Well, malaki rin naman ang company nila kaya hindi na nakakapagtaka yun. White and grey ang theme ng bahay nila. Modern style.


"Good evening po." pormal na pagbati ko. Ngumiti sila sa akin at bumati rin pabalik, bumati rin si Amber. Syempre ngayon lang ako dito. Tingin ako ng tingin kung saan-saan.


"Laki ng bahay niyo, 'no?" mahinang usal ko kay Amber na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Muli ko pang pinagmasdan ang bawat sulok ng bahay nila. Malinis. Hindi mo kakikitaan ng kalat.


"Na ka ready na ang pagkain." nakangiting sabi ni lolo Arthuro. Sinundan namin saya patungo sa Dining Table. Wow! Ang daming handa. As in. Akala mo may pyesta eh. Parang magpapakain ng buong barangay. Dalawa ang cake. May spaghetti, carbonara, basta kung ano ano pa. May red wine pa nga eh.


Pinaupo na kami. Sino bang may birthday? 7 years old? Bugaplaks. Hahaha. Yung isang habang lamesa nila na sobrang haba talaga eh punong-puno ng pagkain.


"Ilang taon ka na ba? 7?" pabulong kong usal sa kaniya. Sinamaan pa nya ako ng tingin. "Blow mo cake ha? Tas videohan ko, hehe." pigil ang tawa kong sabi.


Nag pray kami bago kumain. Si lola ang nagdasal. Pigil pa ng ang tawa ko dahil naka poker face na si Amber at pasimple pang tinatapakan ng paa ko. Matured ha?


"Hija, kamusta naman kayo ng apo ko? May nararamdaman na ba kayo para sa isa't isa?" habang kumakain kami ay biglang nagtanong si lolo. Muntik pa tuloy akong masamid. Buti na lang inabutan ako ni Amber ng tubig. Tumikhim pa muna ako bago nagsalita.


"Ah hehe, a-ayos lang naman po kami. Uhm a-ano.. Uh h-hindi po kasi namin ano masyadong p-pinag-uusapan yun.." nauutal ko pang sabi. At saka nag pilit ng tawa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Oo sinabi nya sa aking gusto nya ako, pero kasi.. iba eh.


"Hahaha, no pressure, hija. Wag niyong madaliin. Next year pa naman ang kasal ninyo. Matagal-tagal pa." sabi ni lolo habang natatawa. Ako naman ay parang napahiya.
Nagtuloy na ulit ako sa pagkain. Si Amber naman ang nagsalita.


"Yeah, actually nagkakamabutihan na kami." gulat akong napatingin sa kanya. Hinawakan pa nya ang kamay ko at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Pero pilit yun. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya kumuha na lang ako ng tubig at uminom.


"Hmm, mabuti naman kung ganon. Gusto ko rin magkaroon ng apo.." bigla biglang sabi ni lola Seraphina. At dahil masyadong maganda ang timing ay nasamid ako. Nagulat naman sila at inabutan ako ng tissue. Tumawa pa ang mag-asawa sa harap namin habang pinunasan naman ako Amber.


"Huwag nyo masyadong isipin ang lola nyo, umeedad na kasi eh" tawa pa ni lolo. Tuwang tuwa na inaasar si lola. Siraulo rin 'to ano? Hindi, joke lang hehe peace lang kami.


"Hoy! Mas matanda lang ako ng ilang buwan sa 'yo, ano?" depensa naman ni lola sa kaniyang sarili. Ang swerte nila sa isa't isa. Matatanda na pero hindi pa rin nawawala yung spark. Hay, mapapa sana all ka na lang talaga. Cute nila panoorin.



"Siya nga pala, Amber. May kilala ka bang Kim?" bigla-biglang tanong ni lolo

"Name?"


"Surname,"


"Yeah, I have a classmate na Kim ang surname. Si Szydle. Why?" si Amber. Ang kilala ko lang din na Kim ay si Szydle. Kim siya diba? Korean tatay niya e. Anongseyo~


Maybe One DayWhere stories live. Discover now