Shaui's Pov
Nakatingin lang ako sa kanila habang hila-hila ni Amber si Ehrian. Hindi ko nga alam kung napansin nya ako. Ang mata niya ay na kay Ehrian ang. Wala ata akong laban dun. Bakit ganoon? Ako yung fiancè pero parang hinde. Sabagay, napilit lang naman kami dito. Pero alam ko na habang tumatagal ay nahuhulog na ng loob ko sa kaniya.
Mali to eh! Alam ko naman! Dahil alam kong si Ehrian pa rin. Siya pa rin! Nakakainis lang. Pano ano? P-paano? Nakakainis punyeta naman.
Kasalukuyan akong na sa parking ng school namin. Isang oras na akong naandito. Inaantay ko kasi siya. Wala naman ibang susundo sa akin. Nakauwi na kasi sila Portia.
7:09 pm. Inaantay ko pa rin siya. Umaasa na darating siya. Nilalamig na rin ako dito. Malakas ang hangin dahil nga Disyembre ngayon. Alam kong darating dito si Amber. D-darating siya.
8:27 pm. Nawalan na ako ng pag-asang darating siya. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha sa mata ko. Pucha,
5 pm kami natapos sa library. B-bakit antagal nila?Napaupo na lamang ako. Umiyak ako ng umiyak. Walang tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Napatingin ako sa harapan ng may kumuhit sa akin. Blurred pa ang paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. Inaninag ko ang kaniyang mukha.
Iury?
Binigyan niya ako ng panyo. Tinanggap ko ito. Tinulungan niya rin akong tumayo. Anong ginagawa niya dito? Gabi na e'
"Hey, why are you crying?" he said softly. Mas lalo lang akong umiyak at napayakap sa kaniya. Nagulat pa siya ngunit niyakap rin ako pabalik. "Bakit nandito ka pa? Gabi na ah, at umiiyak pa"
Pinatahan niya ako. Siya na rin ang nagpunas ng luha sa mata ko.
"Let's go. Iuuwi na kita." he said. Wala pa akong gana umuwi. Pag-umuwi ako samin, naandun si Amber o pag kila Mom, naandun sila ni kuya. Ayokong mag-alala lang sila sa akin.
Umiling ako sa kaniya. Ayaw ko pang umuwi. Masama ang loob ko. Kumunot naman ang noo niya. Tila nagtataka sa asal ko.
"Are you hungry?"
Tumango ako. Hindi pa ako kumakain. Simula kanina. Hindi ako nakaramdam ng gutom. Ewan ko kung bakit ngayon.
Dinala niya ako sa kotse nya. BMW. Nakakainis naman. Hindi dapat siya ang maghahatid sa akin. Si Amber dapat.
"Bakit t-tayo nandito?" na sa Mini Stop kami ngayon. Hindi ko nga namalayan kanina na tumigil na kami. Basta nagulat lang ako ng bumukas yung pinto ko.
"We're going to buy foods here. Then, may pupuntahan tayo." he smiled at me. Napapansin ko lang, kanina pa ito ngiti ng ngiti sa akin ha? Tapos bali-balita pang crush niya ko. Mama mo!
Tumango na lang ako sa kanya. Bumili siya ng mg kakainin namin. Mga finger foods, ganern. Merong pizza, chips, at chocolate rin. Tsaka meron ding milktea, burger, at saka fries.
Maya-maya ay naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya. May mesaage iyon galing kay Amber kaya tiningnan niya.
From Amber:
Umuwi ka na. Hindi ako uuwi ngayon. Wag mo kong antayin.
Tumulong muli ang knayang mga luha. Sobrang sakit. Pero wala siyang magawa. Hindi niya alam kung ano talagang gusto niya. Tumingin sa kanya si Iury. He smiled.
YOU ARE READING
Maybe One Day
Teen FictionShaui was young, wild, and loud. It was her first day of school in college when he met a cold-hearted person. She developed a little crush on him. But when he stole her first kiss, she started to hate him. But it seems like fate was playing with the...