tw: death
"Kuya!"
Dahan-dahan niyang iminulat ang mata niya. Tumulong muli ang mga luha ko. Mukhang mahina si kuya sa lagay niya. Hindi naman siya ganito kapayat kahapon!
Tangina, ano bang nangyayari! Bakit naman ako pinaarusahan ng ganito?! No, I can't lose kuya.
"S-shaui.." hirap na hirap niyang binanggit ang pangalan ko. Ako ang nahihirapan sa lagay niya.
"Kuya.." tugon ko. "Ano 'to?" tanong ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. May sakit ba siya? Bakit nila sakin nilihim ito? Bakit?! "Kuya, b-bakit? P-paano.. niyo nagawang ilihim?" humikbi ako. Nakita ko ang luhang umagos sa kaniyang mata.
"I-i'm sorry.." napatingin ako sa kaniya ng maramdaman ko ang paghihirap niyang huminga. Nakaramdam ako ng takot.
"K-kuya.." kinakabahan ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw. Walang doctor dito, kailanga na niyang pumunta sa hospital. "Manang! Manang!"
"Shaui? Bakit?" tumingin siya kay kuya. "Jusko ko po, hijo. Ayos ka lang ba? Tara na sa hospital! Jusko po!"
"Eddie! Ihanda mo na ang kotse, bilis!"
Nagtulong kami ni manang na alalayan si kuya. Ang sakit-sakit na makita siya sa ganiyang lagay.
Lord, please. 'Wag po muna..
Hanggang makasakay kami sa sasakyan ay nagdadasal pa rin ako. Hindi ako makapag-isip ng matino. Ang gusto ko lang masigurong ligtas si kuya. Walang tigil rin ang agos ng luha ko.
Bakit? Hindi ko na ata kaya.
"K-kuya, please. Imulat mo ang mata mo. Hang in there, please. Malapit na tayo." pagmamakaawa ko. Bumaling ako sa unahan, "Kuya Eddie pakibilisan naman ho!" natataranta kong sigaw.
Nang makarating kami sa hospital ay inihiga agad si kuya at itinakbo nung nurse. Sumabay ako sa kanila habang hawak ang kamay ni kuya.
Nakatingin ako sa kaniya. Inimulat niya ang kaniyang mata at tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng kaba. Parang may ipinapahiwatig siya sa akin at ayokong tanggapin non.
"S-shaui.." agad akong umiling habang umiiyak.
"N-no.. Please, kuya.." hikbi ko. Hindi na rin ako makahinga dahil sa hikbi. Hindi ko na kaya.
"S-shaui.. h-happy birthday.."
And that was his last words. Time of Death: 12:03 am.
Inaasikaso na ang kamatayan ni kuya. Hindi ko matanggap na wala na siya. Bakit kailangan siya pa? Nawala na nga si dad tapos si kuya rin? Ang sakit na, tangina.
Ayon na 'yon? Ganon na lang lahat? Ang bata pa ni kuya para mamatay. 'Yon na ba talaga, Lord? No second chance? Sige na, oh! I still need him- we still need him.
At ang mas masakit pa ay ngayon ko lang nalaman. Gusto kong magalit kay mom pero hindi ko kaya. Gusto kong marinig ang rason niya kung bakit nila ito itinago sa akin. E 'di sana doon na ulit ako tumira! Maaalagaan ko pa si kuya!
It was really sudden. We were just celebrating christmas days ago and then.. he'd die? Just like that? We were so happy! And now we're suferring?
Tangina, ang sakit ng dibdib ko.
Hinanap ko ang cellphone ko at tinawagan si mom.
"M-mom!" iyak ko. "Si kuya, mom!"
"[Shaui, anak? Anong nangyari sa kuya mo? Tinawagan ako ni manang papunta na ako. Anong balita, Shaui?]"
Hindi agad ako nakasagot. Umiyak ako sa telepono. "S-si kuya, wala na.." mahinang usal ko.
"[A-ano? Anak, huwag magbiro ng ganyan!]"
"Mom, hindi po ako nagbibiro! Wala na si kuya.." patuloy ako sa pag-iyak. "Bilisan niyo na po, punta ka na dito.."
Narinig ko ang iyak niya sa telepono. Parehas kaming mesirable. Narinig din ni Manang at Kuya Eddie ang sinabi ko. Hindi rin nila mapigilang mapaluha.
Napatakip ako sa bibig ko ng ibaba ni mom ang telepono. Wala akong pakealam sa paligid ko. Walang tigil ang pag-iyak ko. Pakiramdam ko kaunti na lang ay hindi ko na kakayanin.
"Sa birthday ko pa talaga?" it was so unfair. Bakit? Bakit, Lord? Pagkatapos mo akong pasiyahin ay paiiyakin mo ako? Bakit mo hinahayaang mangyari 'to? "W-what did I do to deserve this?"
Kung ganito lang ang consequences ng pagiging masaya ay mas gugustuhin ko ng maging malungkot araw-araw.
Nabaling ang atensyon ko sa dumating. Tinatakbo rin ito ng nurse. Duguan ang mukha at buong katawan ng tao. Nang makalapit ay naaninag ko ang mukha ng pasyenteng duguan.
"Jusko po, Panginoon.." napasinghap si manang. Napakapit siya kay Kuya Eddie.
Nakatulala lang ako habang dinadala ng mga nurse ang nanay ko. Wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko. Said na lahat dahil kay Amber, dahil kay kuya, at ngayon si mom. I can't believe this.
"Wow, happy birthday to me." sarkastikong sabi ko sa sarili.
"Anong nangyari?!" sigaw ng doctor sa nurse.
"Car accident po. Dead on Arrival na."
Hindi ko namalayan ang pagdidilim ng mga mata ko. Hindi ko na talaga kaya.
Third Person's Pov
Hindi na kinaya ni Shaui ang lahat ng sakit na dulot ng pamilya niya. Nahimatay siya at tumama ang ulo niya sa bakal na upuan. Nagpanic naman agad si manang at kuya Eddie.
"Jusko po, Panginoon gabayan mo ang batang ito."
Nagtawag agad sila ng nurse at inasikaso si Shaui. Kagaya ng nangyari ng mahimatay si Zhanel ay ganoon rin ang nangyari kay Shaui.
Lahat sila ay nahihirapan at nasasaktan. Hinihiling na sana matapos na ang trahedyang ito.
Naaawa sila kay Shaui. Naiwan mag-isa at ngayon ay nakaratay na rin sa hospital.
:(
YOU ARE READING
Maybe One Day
Teen FictionShaui was young, wild, and loud. It was her first day of school in college when he met a cold-hearted person. She developed a little crush on him. But when he stole her first kiss, she started to hate him. But it seems like fate was playing with the...