Chapter 26

2 1 0
                                    

Shaui's Pov



"Asan na 'yung sa inyo?"



Pagtatanong ko sa mga ka-groupmates ko. Kasalukuyan kaming na andito sa coffee shop na sinuggest ni Eryn. Maganda ang lugar. Tahimik, mahangin, at kakaunti lang din ang napunta dito. Hindi kasi masiyadong kilala ito pero maganda talaga ang puwesto.






Dito namin pinagsasalo-salo 'yung mga nakuha naming information about sa project namin. Hindi naman kami nahirapan dahil hindi naman gaanong kahirap yung topic namin.






"Na-ito yung sa 'kin, Shaui." ani Aria.



Binigay na nila yung mga parts nila. Tiningnan ko ito isa-isa at napansing wala pa yung kay Haylen.



"Yung sa 'yo, Haylen?" siya na lang kasi at yung kay Ehrian yung wala. Actually wala talaga siya ngayon. Speaking of, bumukas yung door nung coffee shop and it revealed her. Late, ah, ayos mo rin e, no?




He shrugged. "Ako ang nag-sulat nung kay Eryn. Hati kami."



Tumingin ako sa katabing upuan ko nang may umupo doon. Sino pa ba? E'di si Ehrian!



Napa-irap na lang ako sa kawalan. Nag-aalanganin pa ako kung tatanongin ko siya about sa project pero buti na lang at nag-tanong na si Shyna.



"Gurl, asan na yung sa 'yo? Late ka, yari ka kay Sha." sabay tingin pa sa 'kin. Hala? Ba't ako? 'Di naman ako galit, no!



"Huh?" ako.




"Oh, yeah, I'm sorry, late ako nagising." she handed me a yellow pad. Tiningnan ko 'yon. Ayon yung ginawa namin kahapon. Ngumiti ako at tinanggap iyon. More like fake smile.





Late daw nagising. Siyempre tuwang-tuwa na naman siya kasi kasama niya yung 'fiancé' ko. Napa-irap ako.




"Ano ba yan, Sha! Tusukin ko na mata mo!" si Eryn. Nahalata niya sigurong kanina pa ako irap ng irap.




I glared at him at itinaas niya naman ang kaniyang kamay bilang pag-suko.



Pinagpatuloy ko nang muli ang pag-edit nito. Halos ang kalahati ng atensyon ko ay natuon kay Ehrian. Naiirita na ako dahil nag phone lang s'ya at hindi nakikinig sa pinapaliwanag ni Aria tungkol sa project. 'Pag 'yan tinanong nung lecturer namin ta's walang maisagot, ha?! Madali na nga yung topic, e.




"So? Gets nyo ba?"




Umayos ako ng upo at nag-unat. Ibinaling ko ang paningin ko sa kanila at nagsipag-tanguan naman sila. Uminom ako ng vanilla latte ko at tumayo.




Dumeretso ako papuntang restroom. Humarap ako sa salamin at nag-hilamos ng mukha. Bumukas ang pinto ng restroom habang naghihilamos ako. Siyempre may pumasok...




"Ayos ka lang, Sha?" si Shyna pala.



"Oo, ba't naman?"



"Wala, kanina pa kasi ikot ng ikot yung mata mo, 'di ka ba nahihilo?" seryoso ang mukha n'ya. Ayos 'to, a.



Joke ba 'to?




"Ah, wala may naaalala lang." I smiled. Nag-sanitized siya ng kamay niya. Humarap siya sa 'kin kaya tumaas ang dalawang kilay ko, nagtatanong kung may sasabihin siya.



Ngumiti siya, pero parang ang awkward nung ngiti niyang 'yon. "D-diba? Kahapon..?"




Ah, siguro nakita rin nila yung nangyari kahapon. E siyempre, naroon rin sila, may mata rin sila. E 'yung isa nga diyan dala-dalawa na ang mata wala pa ring pagtingin sa 'kin. Corny ba? Sorry, eto lang ako e, sana pala tumalon na lang ako sa tulay at nagpakamatay.




Maybe One DayWhere stories live. Discover now