Shaui's Pov
"En,"
H-huh?
"A-amber?" sinubukan kong hawakan ang kamay nya ngunit hinawi nya ito. Nangunot ang noo ko.
"Hi Dylem" napatingin ako sa kung sinong nagsabi nun. Yung transferee na huling pumasok. Nagtinginan ang mga kaklase namin at nagbulungan. Nanguno tang noo ni Portia at bumaling sakin. Pati ako ay nangunot rin ang noo. Magkakilala sila?
"En...."
Okay, what the fuck is happening?!
"Long time no see." sabi ng babae na nagngangalang Ehrian Zhanel.
Familiar....
"Yes, long time no see...." wika ni Amber sa mababang boses.
"M-magkakilala kayo?" sabat ko sa dalawa. Tumingin ako kay Amber ng nakakunot ang noo pero bago pa sya makasaot ay inunahan na sya ng transferee.
"Yup. We know each other, like a lot." sagot ng transferee at saka ngumiti ng matamis.
"Okay, okay, tama na yan. I-aarrange na natin kung sa'n kayo uupo." sabat ni Sir Clemente sa paguusap namin.
May kinuha sya sa may ilalim ng desk nya. "Magsibunot na kayo"
"Aa nama, sir. Bakit pa kailangan mag arrange ng uupuan eh pwede namang yung dati na lang." pag-aangal ni Haylen.
"Oo nga" pagsasang-ayon ng buong klase.
"Syempre may mga transferees tayo. Kailangan ninyong makipag cooperate sa isa't isa." pagpapaliwanag ng lecturer namin. "Oh wala ng aangal, bunot na."
Nilagyan ng number ang mga upuan namin. 25 lahat kami pero may dumagdag kaya 30 na kami lahat-lahat.
Isa isa ng nagsibunot ang mga kaklase namin. Ang iba ay masaya dahil nabunot nila ang kaibigan nila samantalang ang iba naman ay nanghihinayang dahil hindi nila katabi ng upuan ang kaibigan nila.
Walo nalang kaming nakatayo. Hindi pa nabubunot ang mga transferees. Nakatayo parin kami nila Portia at Amber pati na rin ang Secretary namin last sem na si Lia.
"Transferee bunot na!" sigaw ng lecturer. Unang lumapit si Ethan.
"17" sabi ni Ethan." sabi ni Ethan at pumunta na sa upuang nakalaan para sa kanya.
Number 12, 13, 16, 18, 26, 27, 28, nalang ang natitirang upuan.
Tumayo yung transferee na nagngangalang Aby at saka bumunot ng nakangiti.
"18," malanding sabi nya at saka umupo sa pang 18 na upuan.
"Next!" sigaw ng lecturer.
"Ako na," malamig na sabi ni Portia at lahat kami ay bumaling sa kanya. Bumunot sya at saka nagdire-diretso sa pang 28 na upuan.
Natahimik ng ilang segundo ang aking mga kaklase dahil hindi sila sanay na ganoon ang ugali ni Portia. Our lecturer broke the silence.
"Oh? Ano pang iniintay nyo? Bunot na!"
Lumapit si Szydle at bumunot. Bahagyang tumaas pa ang kaniyang kilay.
YOU ARE READING
Maybe One Day
Teen FictionShaui was young, wild, and loud. It was her first day of school in college when he met a cold-hearted person. She developed a little crush on him. But when he stole her first kiss, she started to hate him. But it seems like fate was playing with the...