Chapter 38

3 1 0
                                    

Shaui's Pov


"Dad, malapit na po tayo?"


Nakasakay kami sa kotse namin. Excited ako dahil first day of school ko ito ng elementary.

Nakaready na rin ang frozen bag ko. Ako pa mismo ang pumili niyan. Sabi nga ni kuya, ang pangit daw.


"Yes, Ysha, malapit na." sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan. Tumingin ako sa daan at tanging mga building at bahay lang ang nakikita ko.


Ang tagal naman!


"Where is your ID?" tumingin ako kay kuya at tiningnan ang dibdib ko kung may nakasabit na ID. Hala!


"Mommy, where's my ID?" nagaalalang tanong ko. Baka hindi ako apasukin ng guard mamaya. Paano na yan?


"Check your bag, baby." sabi niya habng nakatingin din sa daan. Dali-dali ko namang tiningnan ang bag ko. Wala sa malaking lagayan. Chineck ko ang pangalawang zipper. There you go, Ysha.


Agad ko itong sinuot at inirapan ako ni kuya. Sweet naman si kuya. Pero minsan palagi akong pinapagalitan. Ang bata ko pa daw makakalimutin na ako.


Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa daan. Ayon na! Nakikita ko na ang school. Yes, finally! Dali-dali akong bumaba. Muntik pa akong matalapid.


"Tch, Ysha careful!" kuya shouted. I ignored him. Ipinalibot ko ang paningin ko sa school. Wow, ang ganda! Finally!


Nagflag ceremony muna kami pag pasok sa school. Hindi ko pa alam yung mga ginagawa pero nakikisabay na lang ako. Alam ko na naman yung lupang hinirang kasi tinuro yun nung nursery.


Pagkatapos ng flag ceremony ay pumasok na ako sa classroom at inilagay ang gamit ko. Wala pa rin yung teacher namin kaya lumabas muna ako ng may makita akong batang babae na umiiyak. Tiningnan ko ang ID niya at kaklase ko rin siya.


"Huhuhuhu," she was crying.



Agad ko siyang pinuntahan. Nakakaawa naman siya, "Huy, bata! Ba't ka umiiyak dyan?" tanong ko.



"T-they stole my p-pencil.." tinuro niya ang mga babaeng kumuha ng pencil niya. Hala, mga Grade 2 pala. Hindi ko yan kaya labanan..



"Ah sila ba? Grade 2 sila at grade 1 pa lang tayo, mas malakas sila. Kaya wag ka ng umiyak dyan, bibigyan na lang kita." nakakaawa siya kaya inalok ko siya ng lapis.



Okay lang, madami naman akong ganoon. Tsaka sabi ni mommy, huwag maging maramot.



Pinunasan niya ang luha niya, "R-really?" tinulungan ko pa siyang tumayo.



"Englishera sya." bulong ko.



"Uhm.. s-sorry.." ay hala narinig niya ata!




"Tara na," masaya kong sabi at sumunod na lang siya sa akin.



Kumuha ako ng lapis na may design ng mukha ni Anna at ibinigay sa kaniya.



"Eto sayo, si Anna."



"T-thanks, uhm.."



"Hmm?"



"Ah.. w-what's your name? I'm Zhanel."



"Ysha,"



After that naging magkaibigan na kami. Narinig ko sa mom niya noong sunduin siya na 'Rian' ang nickname niya kaya ganoon na rin ang tinawag ko hehe.



Maybe One DayWhere stories live. Discover now