Third Person's Pov
Dali-daling umuwi si Ehrian sa bahay nila. Hindi niya napansin na may nawawala na kaniya. Ayaw niyang makita si Szydle dahil nagkaroon sila ng kaunting pagtatalo kanina. Hindi man niya aminin sa kaniyang sarili ay alam niyang may namamagitan sa kanila. At hindi niya ito nagugustuhan. Patuloy na pumapasok sa utak niya si Amber.
Nang nakauwi siya ay doon niya lamang napansin ang nawawala sa kaniya. Hinayaan niya na lamang iyon dahil kaunting pera lang naman ang nandoon at na sa kaniya pa ang atm card niya. Pero may mahalagang bagay na nandoon. Ang picture ng bestfriend niya noon. Picture ni Ysha.
"Fuck. The picture. Where the fuck did I left it?" patuloy niyang inalala ang mga nangyari at ayon! Na sa restroom nga. "I don't fucking care about the money and that wallet, but the picture! Ayon na lang ang kaisa-isang picture namin."
Nanggaling ang picture na iyon sa ng makita niya ang album na dapat itatapon na ng yaya niya. Ayaw niyang kunin kay Shaui iyon! Para sa kaniya ay mortal at karibal niya si Shaui sa puso ni Amber. Pero ang litrato! Kailangan niyang makuha iyon!
Ayaw man niyang aminin ngunit may parte sa kaniya na gusto ulit makita si Ysha. Gusto niya itong makita at makasama ulit. Ngunit hindi niya matandaan ang tunay n pangalan nito. At hindi niya alam kung nasaan ito. O.. kung buhay pa ba ito.
Dumiretso siya sa kwarto niya dahil nirerenovate ang katabing kwarto. Pilit niyang inaalala ang nangyari. Lahat ng nangyari sa kanila ni Ysha. Gusto niyang malaman.
Ngunit sabi nga nila. 'Curiousity can kill you'. Aksidente niyang nadali ang cabinet niya at aksidenteng nahulog sa ulo niya ang vase.
Narinig ni Sally ng kalabog kaya dali-dali siyang pumunta kay Ehrian. Tumawag siya sa driver at isinugod sa hospital si Ehrian. Walang malay ang dalaga. Agad tinawagan ni Sally ang mga magulang ni Ehrian pero out of reach ang mga ito.
"Jusku pu, anak ku. Anu bang nangyari sayu!" nag-aalala niya. Naisipan niyang tawagan abg dating kasintahan ni Ehrian. Hindi niya kinkaya mag-isa at baka pati siya ay atakihin sa puso. Sobrang mahalaga si Ehrian kay Zelda at tinuturing niya ito na parang sariling anak. Ginamit niya ang cellphone ng dalaga upang matawagan si Amber.
"En, why? I'm busy-"
"Hello hijo! Jusku po si Ehrian! Isinugud sa hospital!"
***
Shaui's Pov
"Ano bang nangyari?"
Bumalik na ako kay Portia. Itinabi ko na lang ang wallet sa bag ko. Baka naman hindi ako yung na sa picture. Baka naman kamukha ko lang 'di ba? Pero iba yung pakiramdam eh. Hindi ko alam. Pero bakit siya may picture ko? Nagkita na ba kami dati?
"Wala, tara uwi na."
Umuwi na nga kami pagkatapos nun. Hindi na lang ako masyadong umimik. Ramdam ni Portia na may iniisip ako pero hindi na labg siya nagtanong. Naiinis ako sa sarili ko.
Wala kasi akong natatandaan na nangyari noong bata ako. Hindi naman nagkukwento sina mommy sa 'kin. Basta ang natatandaan ko lang ay lumipat kami ng bahay at doon ko nakilala si Amber. Kaso pagkamatay ng daddy namin ay lumipat na rin sila.
"I'm back." malumanay kong usal.
"Hey, I bought food for meryenda." ang conyo naman. Pero ang cute ha. Nawala sa isip ko ang nangyari at sinabayan na lang kumain si Amber. He bought donut, fries, pizza, and milktea.
YOU ARE READING
Maybe One Day
Teen FictionShaui was young, wild, and loud. It was her first day of school in college when he met a cold-hearted person. She developed a little crush on him. But when he stole her first kiss, she started to hate him. But it seems like fate was playing with the...